Tuesday, January 28, 2014

KWENTUHAN # 4 ORIGINAL SIN AT ANG MGA TYANAK


BOK:

Paano magkakaroon ng sanctifying grace na sinasabi mo?

PAUL:

Sa pagtanggap ng sacramento ng binyag, nililinis nito ang original sin natin, at nagiging karapatdapat sa paningin ng Diyos.

BOK:

Ayan na! ayan na! Paano magkakaroon ng original sin eh sanggol pa? May kasalanan  na ba sila? Wala naman sa Biblia yan!

 PAUL:

Alam mo ba kung ano ang original sin?

BOK:

Oo bata pa lang may kasalanan na! Diba ang tawag nyo nga dun batik ng orihinal kasalanan o stain of original… batik! Stain! Bigyan kita ng halimbawa ha… kala mo ikaw lang ang marunong ng analogy

PAUL:

May ganun talaga?

BOK:

Ganun talaga! Halimbawa yung panyong puti, bagong bili dahil hindi pa nagagamit kahit kalian, pero yung panyong puti may mantsa na itim! Paanong mangyayari na may mantsa eh hindi pa nagagamit? Parang sanggol, paanong mangyayari na may mantsa siya ng kasalanan o original sin eh malinis pa siya… di pa makakagawa ng kasalanan. Simpleng logic lang yan eh.

PAUL:

Unang una kasi mali ang pagkakaunawa natin sa original sin, there is something wrong how we picture out original sin. Kaya nga napaka- importante sa isang mananampalatayang Katoliko na alamin nya ang kanyang sariling paniniwala o pananampalataya, otherwise madali tayong malilito o maliligaw.

Ang original sin ay hindi parang isang panyo na may batik ng itim, ito ay ang kawalan ng liwanag dulot ng pagkakasala ng ating mga magulang na si Adan at si Eba, ang tawag natin dito the Fall of Man. Ayon sa kasulatan Roma 5:12;

“Ang kasalana’y pumasok sa sanlibutan sa PAMAMAGITAN NG ISANG TAO, at ang KAMATAYAN sa pamamagitan niya…”

Dito malinaw na ipinahahayag ng kasulatan na sa pamamagitan ng isang tao pumasok ang kasalanan sa sanlibutan, at walang sinabi dito na exempted ang mga sanggol, ang sabi sanlibutan at hindi iilan lamang sa sanlibutan at hindi lamang kasalanan ang pumasok kundi maging ang kamatayan. At ang kasalanang ito at kamatayan ay minana natin sa Jeremias 32:10;

“Ikaw’y nagpapamalas ng kagandahang loob sa llibo-libo ngunit PINARURUSAHAN MO ANG MGA ANAK DAHIL SA MGA KASALANAN NG MGA MAGULANG…”

Kita mo na Bok, maparurusahan daw, dahil ba sa kasalanan nila? Hindi! Kundi dahil sa kasalanan ng mga magulang.

BOK:

Teka! Oo may mga sinasabi ang Biblia tungkol sa original sin, pero diba parang illogical kasi nga bata pa tapos may stain of original sin na?

PAUL:

Kaya nga ang sabi ko diba hindi ito parang mantsa, ito ay kawalan ng liwanag sa ating kaluluwa nang tayo ay ipinanganak. Ito ang kawalan ng sanctifying grace, it is not what with “in” or what is “on” the soul, rather it is the nothingness in the soul. At ito nga ang sanctifying grace.

BOK:

Ano ba yang sanctifying grace na yan?

PAUL:

Ito nga ang nawala nang magkasala ang ating mga magulang, ito ay ang pananahan ng Diyos sa ating kaluluwa at dahil dito ibinibigay sa atin ang karapatan na makita ang Diyos ng harapan sa kabilang buhay. In short maliwanag, di lang basta liwanag kundi sobrang liwanag ng ating kalulawa dahil dumadaloy sa atin ang Dios, at ang masaya dito pag tayo ay namatay na nasa atin ang liwanag na ito may karapatan tayo na makita ang Diyos sa kabilang buhay… sure ball na langit yun.


BOK:

Paano maibabalik ang sanctifying grace na nawala dahil kila Adan at Eba?

PAUL:

Sa pamamagitan ng binyag. Pero tandaan mo ito maari itong mawala kung tayo ay magkakaroon ng kasalanang mortal, ang kasalanang ito ay ang makapaghihiwalay sa atin sa Diyos, sabi ni Jesus sa Juan 15:5;

“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang mamumunga ng sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa akin”

Kaya tayo may kumpisal at iba pang sakramento upang mapanatili ito.

BOK:

Katakot naman…

PAUL:

Para sa akin di dapat tayo matakot pag naririnig natin ito, dapat nga matuwa tayo dahil gumawa ang Diyos ng paraan para maibalik ang karapatang nawala sa atin dahil sa pagkakasala ni Adan at Eba, sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Hesus. Diba ang dapat natin tingan ang laki ng love ng Diyos sa atin? He did not leave us alone from darkness, but God gave His son to bring light, to unify us again with God. So lovely indeed… hay!

BOK:

Hay… Eh nga pala paano yung mga sanggol na hindi nabinyagan? Impyerno na sila? Kasi wala silang sanctifying grace? Sila ba yung nagiging tyanak?

PAUL:

Ayan kakapanood mo ng horror movies, tandaan natin malaki ang pag-ibig ng Diyos at kung saan mapupunta ang kaluluwa ng isang batang namatay ng wala pang sakramento ng binyag ay maipapaubaya na lamang natin sa pag-ibig at awa ng Diyos. Ayon sa 1261 ng CCC;

“As regards children who have died without Baptism, the Church can only entrust them to the mercy of God, as she does in her funeral rites for them… Jesus tenderness toward children which caused him to say: “Let the children come to me, do not hinder them” allow us to hope that there is a way of salvation for the children who have died without Baptism. All the more urgent is the Church’s call not to prevent little children coming to Christ through the gift of Holy Baptism.”

Ako malaki ang tiwala ko sa pagmamahal ng Diyos sa pag-ibig nya lalo na sa mga bata kaya hindi hahayaan ng Diyos na mapahamak sila, instead mas gusto pa nga nya na ilapit ito sa kanya at huwag ilayo. However, kaya nga tungkulin ng isang Katoliko at ng Simbahan na ipaabot ang grasyang dala ng sakramento ng Binyag.

So Bok hindi sila TYANAK… sila ay munting nilalang na mahal ng Diyos (period).

BOK:

Ok fine!

PAUL:


(smiled) 


No comments:

Post a Comment