Sunday, May 24, 2015

BAKIT HINDI IGLESYA NI CRISTO (1914) ANG TUNAY NA IGLESYANG TATAG NI HESUS? (Part 1)

Kung magkakaroon lamang tayo ng pagkakataon upang bilangin ang mga simbahang naparehistro sa Security Exchange Commission, natitiyak kong aabot ito ng higit pa sa tatlumpong libo na ibat-ibang simbahan ang meron. Iba- iba ang nagtatag, ngunt maaring magkapareho ng pangalan ng simbahan at petsa ng pagkakatatag.

Pero kung meron mang maingay na sa pag- claim na sila ang tunay na simbahan na itinatag ni Cristo, nangunguna na diyan ang Iglesia ni Cristo (na tatag ni Manalo). Kaya nga sa halos lahat ng kanilang mga TV program, pasugo at pamamahayag, matunog at buong giting nilang pinangangalandakan na sila daw ang tunay na simbahan, ang nag- iisang simbahan na itinatag ni Cristo.

Sa pagkakataong ito, himayin natin gamit lamang ang simpleng lohika sa tulong ng references at Biblia ang katotohanan sa claim na ito ng INC ni Manalo. Hindi na ito nangangailangan ng mataas na IQ para maunawaan, nawa ang mga converted (lalo na ang mga dating Katoliko) ay maunawaan ang bawat punto na sasabihin ko.

Bakit hindi INC (ni Manalo) ang tunay na iglesya?

Una dahil HINDI SI CRISTO ANG NAGTATAG, ang isang tunay na simbahan dapat ang nagtatag ay ang mismong Panginoong Hesucristo mismo! Sa Mateo 16:18 ito ang ating mababasa;

“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya” Mateo 16:18

Malinaw na ang nagtayo ng simbahan ay ang ating Panginoong Jesus, siya ang ulo ng iglesya, sa sulat ni San Pablo sa mga taga Colosas, ito ang ating mababasa;

“At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya. At siya (Jesus) ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia…” Col. 1:18

Tulad ng sinasabi ko, madaling unawain, hindi kinakailangan maging dallubhasa upang maunawaan, sa Banal na Kasulatan malinaw na nasasaad na ang nagtatag ng simbahan ay si Kristo, at dahil Siya ang nagatatag ito ay banal…mula sa Diyos.

“Maliban itayo ng Panginoon ang bahay. Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo “ Awit 1:27 (AB)

Kung hindi si Jesus ang nagtayo! Walang saysay! Peke! Walang kabuluhan!
Sino ba ang nagtayo ng Iglesya ni Cristo (1914)? Walang iba kundi si Felix Ysagun Manalo! Hindi ang Panginoong Jesus.

Si Felix Manalo ay ipinanganak at nabinyagan bilang Katoliko noong ika- 10 ng Mayo 1886, umanib siya sa Methodist Episcopal Church at pumasok sa seminaryo na pinapatakbo ng nasabing sekta noong 1904.  Ngunit pagkaraan lamang ng ilang taon umanib naman siya sa Presbiterian Church noong 1907 at pumasok din sa seminaryo ng sektang ito. Noong 1908 umanib naman siya sa Disciples of Christ at naging pastor dito, ngunit umalis din siya at umanib sa Christian Mission noong 1910. Tulad ng inaasahan siya ay nag- convert sa pagiging Seventh Day Adventists at syempre umalis din tulad ng kaniyang nakagawian. At July 27, 1914 nagparehistro siya ng kaniyang sariling tatag na simbahan bilang isang Sole Corporation at itinalaga ang kaniyang sarili bilang Executive Minister.

Malinaw sa tala ng kasaysayan at maging ng banal na kasulatan na ang Iglesya ni Cristo (1914) ay hindi mula sa Diyos, kundi mula sa isang tao na nagpalipat- lipat ng relihiyon mula pagiging Katoliko, lumipat sa mga protestananteng grupo paglaon ng matuto ay nagtayo ng sariling simbahan. Hindi ko alam ang kaniyang pakay kung bakit kailngan niyang magtayo ng sariling simbahan at pinarehistro pa ito bilang isang solo korporasyon.

“Sapagka’t sa hindi nila pagkaalam ng katwiran ng Dios, at sa pagsusumakit nila na MAITAYO ANG SARLING KANILA, ay hindi sila napasakop sa katwiran ng Dios” Roma 10:3

Hindi Iglesya ni Cristo (1914) ang tunay na simbahan, bakit? Dahil ang nagtatag ay TAO lamang, at hindi mula sa Diyos. Bunga ng pagkalito sa ibang relihiyon, nagtayo ng sariling kaniya, at itinakwil ang tunay na itinatag na Iglesya ni Cristo.

Kung gayon, anong simbahan ang itinatag ni Jesus? Pagbasehan natin ang batayan na hindi galing sa anomang sekta upang mapatunayan na ang Iglesya Katoliko ang tunay na Iglesya ni Cristo, matapos nating sipiin ang mga sitas sa Biblia na nabanggit ko kanina.

The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles. Over the course of centuries it developed a highly sophisticated theology and an elaborate organizational structure headed by the papacy, the oldest continuing absolute monarchy in the world.http://www.britannica.com/EBchecked/topic/507284/Roman-Catholicism#toc257667

The history of the Catholic Church begins with the teachings of Jesus Christ, who lived and preached in the 1st century AD in the province of Judea of the Roman Empire.http://en.wikipedia.org/wiki/History_of_the_Catholic_Church

The emergence of Catholic Christianity:
At least in an inchoate form all the elements of catholicity--doctrine, authority, universality--are evident in the New Testament. The Acts of the Apostles begins by focusing on the demoralized band of the disciples of Jesus in Jerusalem; but by the time its account of the first decades is finished, the Christian community has developed some nascent criteria for determining the difference between authentic ("apostolic") and inauthentic teaching and behavior.
 http://history-world.org/a_history_of_the_catholic_church.htm

Hindi lamang ang mga ito, kundi maraming aklat ang magpapatunay na ang Iglsya Katolika ang siyang tunay na itinatag ni Jesus. Huwag tayong paliligaw sa mga nagsasabi na sila ang “huling sugo” at sila an gang tunay na iglesya. Madaling magsabi na sila ang tunay, ngunit ang pagpapatunay ay isang panibagong bagay.

Simple mga kapatid. Hindi INK (ni Manalo) dahil hindi si Kristo ang nagtatag, kundi tatag ni Manalo, tama nga na sabihin na sabihin na Iglesya ni Manalo.

Itutuloy…



Sunday, May 10, 2015

PAGTATANGGOL SA ISANG INA... ANG INA NG DIYOS

Kilala tayong mga Pilipino bilang mga maka “INA”, sa katunayan wala pa akong nakitang bata na kapag siya ay nasaktan, halimbawa nadapa o naliligaw sa gitna ng Plaza Miranda, ang isinisigaw nito ay “Mama” o “Mommy.” Sa katunayan ang isang mahalagang bagay ay inahahalintulad natin sa Ina, lalo na kung ito ay dapat nating ipagsanggalang at alagaan. Tulad na lamang ng “Inang Bayan” ay ni “Inang Kalikasan”, maging ang buong mundo tanggap ang konsepto na ito, anopa’t tinawag nila ang mundo na “Mother Earth.”

Kaya nga hindi ko lubos maisip kung paanong ang ibang sekta ay nanggigigil sa ating mga Katoliko tuwing tinatawag natin si Maria na Mama Mary. Higit pa dito ay nagagawa nilang bastusin at isawalang bahala ang Inang Maria. Tulad na lamang ng isang Dating Daan sa pangunguna ni Eli Soriano na may ina din naman, bobo daw tayong mga Katoliko, bakit daw Mama Mary, nanay daw ba natin si Maria? Ito din ang mababaw na atake ng ibang sekta na malinaw na kalapastanganan at kabastusan sa ina ng ating Panginoong Hesus. Hindi nila magawang atakehin ang pagtawag sa Bayan bilang isang ina, at gayundin sa kalikasan, pero ang pagtawag ng “Mama Mary” ay gigil na gigil sila. Hindi ba’t makatarungan din naman, na kung tanggap nila ang pagtawag natin ng “inang bayan” at “inang kalikasan” mali ba na tawagin natin si Maria na ina din o mama? Buti pa si Lily tinawag na Mother Lily ganun din si Ricky na tinawag din na Mother Ricky, pero may narinig ba tayong ngumawa na Dating Daan o Iglesya ni Cristo (ni Manalo)? Wala! Sapagkat ang layon nila ay pulaan at siraan ang Simbahang Katolika, kahit pa umabot ito sa pangbabastos at pagsasawalang bahala sa Ina ni Hesus. Tanong lamang, natutuwa kaya si Hesus kung babastusin natin at isawalang bahala ang kaniyang Ina?

Isa din sa mga paglapastangan sa Mahal na Birheng Maria ay bakit daw siya tinatatawag na Ina ng Diyos o Mother of God? Ito ay kadalasang pangbubuska sa atin ng mga Iglesya ni Cristo (tatag ni Manalo, 1914), diosa daw ba siya? Ginagawa daw nating diyos si Maria.

Unang-una wala silang karapatan na tanggalin ang karangalang ito na ibinigay sa kaniya ng Diyos. Ginusto ng Diyos na gawin siyang Ina ng ating Panginoong Hesucristo kaya hindi natin ito maaring salungatin, maliban na nagmamagaling pa sila sa Diyos o kalaban sila ng Diyos. Ito ay hindi imbentong aral ng Katoliko, kundi isang katotohanang nahahayag sa Banal na Kasulatan.

Una si Maria ay Ina ng Diyos (Mother of God) dahil nanay siya ni Jesus na isang Diyos… tunay na Diyos at tunay na Tao.
Si Simon Pedro, na alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo. 2 Pedro 1:1

Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo; Tito 2:13

Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko. Juan 20:28

Malinaw sa mga talatang nabanggit na ang Panginoong Jesus, ayon sa mga Apostol at Biblia na siya ay Diyos! So mali ba na tawagin siyang Ina ng Diyos? Ang isang teacher mali ba na tawagin siyang “ina ng teacher” o ang ina ng isang doctor mali ba na tawagin siyang “ina ng doctor”.
                                                                                           
Maliban na itanggi nila na si Jesus ay Diyos itatanggi din nila na si Maria ay Ina ng Diyos! Tulad ng Iglesya ni Cristo (tatag ni Manalo, 1914), na itinuturo nila si Manalo bilang Anghel at si Cristo ay na-demote bilang tao lamang. Kung itinatanggi nila na si Jesus ay Diyos, itatanggi nila na si Maria ay Ina ng Diyos, ngunit pinapatunayan lamang nila, na sila din ang iglesya na hindi kayang tanggapin na ang Diyos ay kayang magpakumbaba dahil sa kaniyang pag-ibig at maging tao at alipin tulad natin.

Kung mahal natin si Jesus, hindi ba’t dapat mahal din natin ang kaniyang Ina. Ibinigay ni Jesus sa atin ang kaniyang Ina nang siya ay nasa krus “Narito ang iyong Ina” (Juan 19:27), pahalagahan natin siya, tayo din naman tiyak pinapahalagahan ng Inang Maria, at kasama sa kaniyang mga panalangin.

Happy Mother’s day sa lahat ng mga ina…




Saturday, February 21, 2015

(New) KWENTUHAN # 9 FATHER...FATHER... Labag nga ba sa turo ni Cristo ang pagtawag ng "Father" sa mga paring Katoliko?


BOK:

Ok fine! Pero marami pa din talagang kaugalian ang mga Katoliko na hindi katanggap-tanggap eh! Tulad na lamang ng pagtawag ng “Father” sa mga pari! Hindi ba’t labag ito sa katuruan ni Hesus?

PAUL:

Hehe saan mo ba nadinig yan? Sa Dating Daan? Tamang Daan? Pasugo (magazine ng Iglesya ni Cristo)? Gumising (magazine ng Jehova’s Witness)? Saan?

BOK:

Eh basta sagutin mo na lang! Diba tama naman ako? Na sabi ng Panginoong Hesus na mababasa natin sa Mateo 23:9…

“At HUWAG N’YONG TAWAGING ‘AMA’ ang sinoman dito sa lupa, dahil IISA lamang ang inyong Ama, ang Amang nasa langit” (ASD)

…malinaw naman ang sabi ni Lord diba? Eh bakit kayong mga Katoliko kung maka- FATHER wagas!? Tawag niyo pa nga sa Pope eh “PAPA” ano ba naman yun!

PAUL:

Taray ha! Sige alam mo simple lang naman ang sagot diyan eh. Absolute ba na ipinagbabawal ang pagtawag ng Ama? Kasi kung talagang bawal bakit pa inutos ng Diyos na igalang ang Ama at Ina (Ex. 20:12)? Lalo na sa kultura nating mga Pilipino na likas na magalang sa mga magulang, tatawagin mo ba ang tatay mo sa kanyang pangalan? Halimbawa ang pangalan ng tatay mo ay “Kulas” tatawagin mo siyang “Kulas”? Hihingi ka ng baon sasabihin mo “Kulas engeng allowance ubos na eh” ganun ba?! Grabe naman kabastusan naman ata yun!

BOK:

Eh ok lang yun! Biological father yun eh kaya ok! Pero pag hindi yun ang bawal! Sa Hebreo 12:9 ito ang mababasa!

“Bukod dito, tayo’y NANGAGKAROON NG MGA AMA NG ATIN LAMAN…” (AB)

…Kaya nga pag AMA SA LAMAN o biological father pwede kasi recognized naman siya ng Biblia pero maliban diyan bawal!

PAUL:

Alam mo kapatid hehehe laki ng problema mo, pag yan ang pinaniwalaan mo mangangamote ka sa laki ng kailangan mong i- consider! Alam mo bakit?

BOK:

Bakit?

PAUL:

Kasi paano yung “Ama ng Katipunan” si Andres Bonifacio? Diba tinuturo sa school na Ama siya? Hindi sa laman! Kundi ng Katipunan! Paano si Manuel L. Quezon na “Ama ng Pambansang Wika”? Diba tinuturo sa school na AMA siya, pero hindi sa laman ha! Kundi ama sa Wika! Mali ba yun? Nagkakasala ba ang mga teacher dun?

Sige nga Bok! Paki-sagot! Hehe laki ng problema noh? Hehe mag- Katoliko ka na kasi! Bumalik ka na! Hahaha

BOK:

(Mahabang katahimikan…) Sagutin mo na lang tanong ko!

PAUL:

Hehe sagutin mo muna ang tanong ko! Reconcile mo muna yan… sabi mo kasi maliban sa Ama sa laman bawal na! So pag nagkaanak ka ituro mo na wag tawagin si Gat. Andres Bonifacio na “Ama ng Katipunan” o si Manuel L. Quezon na “Ama ng Pambansang Wika”, marami pang FATHER diyan! Father of Biology, Father of Science, Father of Astronomy, Father of Sociology, Father of Psychology! Paano yan?! Sagot Brother!

BOK:

(Mahabang katahimikan)

PAUL:


Pag nag- Katoliko ka na ulit sasagutin ko na ang tanong mo! Sa ngayon mamroblema ka muna sa mga ampaw na bintang ng mga pinakikinggan mo! Next Question! 

Friday, March 14, 2014

KNOW THE TRUTH SA TV MARIA

Ang "SI BOK AT SI PAUL" po ay malugod na nag-aanyaya sa inyo na manood at tangkilikin ang KNOW THE TRUTH na pinangungunahan nila Atty. Marwell Llasos, OP at Fr. Abe Arganiosa. Ito ay isang programa na nagpapaliwanag at nagtatanggol ng pananampalatayang Katoliko mula sa mga malisyosong atake at batikos ng ibang sekta sa ating Inang Simbahan. Ang mga simpleng tanong na kung minsan ay dahilan ng paglipat ng mga mananampalatayang Katoliko sa ibang sekta ay sinasagot sa programang ito sa isang payak at simpleng pamamaraan. Tulad na kung ang Mahal na Birheng Maria ba ay sinasamba nating mga Katoliko? Ang mga Katoliko ba ay sumasamba sa mga imahen? At marami pa pong iba! Wag po tayong magsuri ukol sa ating pananampalataya sa mga taong hindi kapananampalataya, meron po kasi ang sasabihin "Ako po ay isang Katoliko, ang tanong ko po ay..." pero ang tanong ay naka-ukol kay Eli Soriano! Natural ang sagot ay laban sa pananampalatayang Katoliko, kung minsan pa nga ay may halong panunuya. Maging matalino po tayo sa ating pagsusuri, kung may tanong po kayo sa Katoliko, ay sa Katoliko po tayo magtanong.

Muli si BOK AT SI PAUL ay kasama ng KNOW THE TRUTH sa layuning ipaliwanag at ipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko laban sa mga naninira nito. Mapapanood po natin ang KNOW THE TRUTH sa TV Maria, at maari din pong mapanood through YouTube.com. 


Monday, March 10, 2014

KWENTUHAN # 8 PANALANGIN SA MGA SANTO

BOK:

Bakit tayo nananalangin sa mga Santo? Bakit tayo nananalangin kay Birheng Maria? Bakit hindi pa dumerekta sa Diyos? Diba ang sabi sa 1 Timoteo 2:5;

“Sapagkat may isang Dios at MAY ISANG TAGAPAMAGITAN sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus”

PAUL:

Alam mo ang nakikita ko sayo Bok ay hindi mo lubos nauunawaan ang tanong mo, sapagkat hindi mo rin siguro nauunawaan ang aral ng Inang Simbahan ukol sa ating mga Banal. Hindi tayo nanalangin sa mga Banal, as if na sila ang tutupad sa ating mga panalangin dahil lalabas na hindi tayo nagtitiwala sa Diyos at inilalagay natin sa kamay ng mga Banal ang ating mga panalangin. At ito ang pilit na isinasaksak sa atin ng ibang sekta na hindi rin nauunawaan ang bagay na ito, pilit nila na gustong paniwalain ang mga Katoliko pati ang kanilang mga miyembro na ang Iglesya Katolika ay dumadalangin sa mga Santo, at paparatangan tayo na sumasamba sa mga diyos-diyusan.

So linawin lamang natin, hindi tayo humihingi ng kasagutan sa ating mga panalangin na as if ang magbibigay nito ay kung sinoman sa mga Santo, bagkus alam natin na ang Diyos lamang ang siyang makasasagot nito.  Tatanungin mo ako ngayon Bok, ano ngayon ang trabaho ng mga Banal ukol sa ating mga panalangin? Bakit hindi tayo dumeretso sa Diyos tulad ng nabanggit sa 1 Tim. 2:5?

BOK:

Ano nga ba?

PAUL:

Ang mga Banal ay intercessors sa ating mga panalangin, dahil sila ay mas higit na mas malapit sa ating Panginoong Hesucristo, at nakatanggap na ng kaluwalhatian mula sa Diyos. Pag sinabing intercession sa striktong depenisyon nito, ayon sa isang Catholic Dictionary ni J.A. Hardon,S.J. “Entreaty in favor of another person; hence mediation”, at ang mga Santo ay siyang ang “intrcessors” o namamagitan sa atin at kay Hesus para sa ating mga panalangin. Pinatutunayan ito ng Banal na Kasulatan sa Roma 8:30;

“At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga tinawag AY INARING GANAP naman niya: at ang mga inaring-ganap ay NILUWALHATI din naman niya”

Ang mga tinawag ng Diyos o kaniyang mga hinirang samakatuwid baga’y ang mga Banal ay inaaring ganap ng ating Panginoong Hesukristo anopa’t hindi pa ba sila malapit sa Diyos kung sila pala ay inaring ganap na ng ating Panginoong Hesus? Sa Biblia ang mga taong hinirang ng Diyos ay mas malapit sa Diyos, tulad na lamang ni Abraham nang kanyang ipanalangin na gumaling si Abimilech at ang asawa nito sampu ang mga alipin nitong mga babae (Gen.20:17), at nang ang mga Israelita ay nagkasala idinalangin din sila ni Moises at namagitan sa mga Israelita at Diyos;

“At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi. Kami ay nagkasala sapagka’t kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at laban sa iyo; idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang ahas. At IDINALANGIN NI MOISES ANG BAYAN” (Ex. 21:7)

Malinaw dito na si Moises ay namagitan sa mga Israelita at sa Diyos, siyempre tinugon ng Diyos ang panalangin ni Moises. At nang may muling magkasala sa Diyos, nang may mga taong hindi nagsalita ng matuwid ukol sa Diyos ay ang Diyos na mismo ang nagsabi kung ano ang maaring gawin para sila ay mapatawad, sa Job 42:8;

“…IDADALANGIN KAYO NG AKING LINGKOD na si Job; sapagkat SIYA’Y AKING TATANGGAPIN…”

Ano daw Bok? Idadalangin ang mga nagkasala ni Job sapagkat si Job ay tatanggapin ng Diyos, dahil si Job ay sakdal at matuwid o banal (Job 1:1). Dito ang Panginoong Diyos na mismo ang nagbigay ng rekomendasyon, kung gusto mo pakinggan at tanggapin ang iyong panalangin? Mas maige na ipanalangin ka ng isang taong lingkod ng Diyos, at tiniyak ng Diyos na siya ay tatanggapin.

Kaya nga hindi ko maintindihan sa mga ibang sekta na ito kung bakit ayaw nila sa mga Santo, sa mga taong tinuturing ng Diyos na malapit sa kaniya, eh malinaw naman na sinasabi sa Biblia na sila ay pinakikinggan. Kung sila ay humihingi ng panalangin sa kanilang mga Pastor at mga Ministro anopa’t hindi sila makahingi ng panalangin sa mga taong Banal na tiyak na mas malapit sa Diyos! Kaya pansinin mo, mas sikat si Ginoong Manalo para sa mga Iglesya ni Kristo (ma tayo ni Manalo) kesa sa isang taong banal tulad ni Mother Teresa of Calcuta, o di naman kaya’y kay St. Franciss of Asissi! Mas sikat pa si Eli Soriano para sa mga Dating Daan members kesa sa mismong Ina ng ating Panginoong Hesucristo na si Birheng Maria.

Tanong ko sayo Bok, kung hihingi ka ng panalangin dahil mas malapit sila sa Diyos, kay Ginoong Eduardo Manalo ba o sa mismong Ina ni Hesus na si Santa Mariang Birhen?  Sino sa palagay mo ang mas malapit kay Jesus?

BOK:

Si Maria siyempre, nanay ni Jesus yun eh!



PAUL:

Oh eh bakit itong mga sektang ito eh itinatanggi ang kakayahan ng mga Banal na mamagitan para sa kanilang mga panalangin? Bagkus ang mga leader nila ang sumisikat!

BOK:

Pero hindi ba’t salungat ito sa 1 Tim.2:5 na sinasabi na walang ibang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, maliban sa Panginoong Hesus?

PAUL:

Walang kontradiksyon dito, kasi kung salungat ito wala nang tao o hindi na naghirang ang Diyos ng mga taong mamamagitan at dadalangin sa Diyos alang-alang sa mga tao. Unawain kasi natin ng maige ang talatang ito! Totoo na may isang Tagapamagitan  sa Diyos at sa mga tao, at ito ay si Hesus pero ituloy natin ang basa sa talatang sais (6) ng 1 Timoteo capitulo 2 pa din;

“Na IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT, na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan”

Malinaw naman ang konteksto ng 1 Timoteo 2 eh, walang ibang tagapamagitan na sukat ikatutubos nating lahat. Meaning when it comes to salvation and redemption walang ibang tagapamagitan o daan maliban sa Bugtong na Anak ng Diyos na si Cristo Hesus. Anopa’t sa talatang ika-pito ng 1 Timoteo 2 pa din ay mababasa;

“Na dito’y ITINALAGA AKO NA TAGAPANGARAL AT APOSTOL…”

Dito sinabi ni San Pablo na siya ay naitalaga bilang mangagaral at apostol at kaakibat pa nga nito bilang isang nahirang na apostol ang mamagitan sa panalangin na siya ding kaniyang ipinapangaral sa 1 Timoteo 2 pa din at ngayon talatang 1;

“Una-una nga sa lahat ng mgag bagay ay iniaaral ko na manaig, MANALANGIN, MAMAGITAN, at magpasalamat…”

Nawawalang kabuluhan ba ang panalangin ng mga taong matutuwid kung tayo ay hihingi sa kanila ng panalangin? Tanungin naman natin si Apostol Santiago, mababasa naman natin sa Santiago 5:16;

“…MALAKI ANG NAGAGAWA ng maningas na panalangin ng TAONG MATUWID

Malinaw ang sabi ng Biblia, na malaki ang nagagawa ng panalangin ng isang taong matuwid, kaya nga sinasampalatayanan natin na ang paghingi natin ng panalangin ng isang taong Banal ay hindi winawalang kahulugan ng ating Panginoong Diyos!



BOK:

Eh tungkol naman dun sa pag-cecelebrate niyo ng Todos Los Santos tuwing November 1, eh diba ang Halloween ay gawaing pagano? Bakitn niyo ito ipinagdiriwang gayung ito ay gawaing Pagano? Nabasa ko pa nga eh;

“Halloween has its origins in the ancient CELTIC FESTIVAL known as Samhain (pronounced "sah-win"). The festival of Samhain is a celebration of the end of the harvest season in Gaelic culture. Samhain was a time used by the ANCIENT PAGANS to take stock of supplies and prepare for winter. The ancient Gaels believed that on October 31, the boundaries between the worlds of the living and the dead overlapped and the deceased would come back to life and cause havoc such as sickness or damaged crops.” (http://www.halloweenhistory.org/)

PAUL:

Eto ang isa sa malinaw na pamumusong at kasinungalingang ginagawa ng ibang sekta, lalo na ang “ANG DATING DAAN” at IGLESYA NI CRISTO”, napanood ko sa programa nila na binbanatan nila ang Banal na Simbahan at tila pinapalabas nila na ang Halloween ay aral o doktrina ng Katoliko. Magbibigay sila ng kanilang SARILING KONLUSYON na ang pag-cecelebrate natin ng ALL SAINTS at ALL SOULS DAY ay sa PAGANO dahil nga ang HALLOWEEN ay sa PAGANO.

Simple lang naman ang tanong ko sa kanila eh… ang HALLOWEEN ba ay kapareho ng ALL SAINTS at ALL SOULS DAY o Todos Los Santos at Araw ng mga Patay o Yumao? Yun ba mula esensya at sentido ay magkapareho? Tiyak ako Bok hindi nila masasagot yan, kung may mangangahas man sumagot… lalabas na siya ay kulang sa kaalaman o sadyang sinungaling at tsismoso ika nga.

“The exact origins of this (All Saints Day) celebration are uncertain, although, after the legalization of Christianity in 313, a common commemoration of Saints, especially the martyrs, appeared in various areas throughout the Church. For instance in the East, the city of Edessa celebrated this feast on May 13; the Syrians, on the Friday after Easter; and the city of Antioch, on the first Sunday after Pentecost. Both St. Ephrem (d. 373) and St. John Chrysostom (d. 407) attest to this feast day in their preaching. In the West, a commemoration for all the saints also was celebrated on the first Sunday after Pentecost. The primary reason for establishing a common feast day was because of the desire to honor the great number of martyrs, especially during the persecution of Emperor Diocletion (284-305), the worst and most extensive of the persecutions. Quite supply, there were not enough days of the year for a feast day for each martyr and many of them died in groups. A common feast day for all saints, therefore seemed most appropriate.

The designation of Nov. 1 as the Feast of All Saints occurred over time. Pope Gregory III (731-741) dedicated an oratory in the original St. Peter's Basilica in honor of all the saints on Nov. 1 (at least according to some accounts), and this date then became the official date for the celebration of the Feast of All Saints in Rome. St Bede (d. 735) recorded the celebration of All Saints Day on Nov. 1 in England, and such a celebration also existed in Salzburg. Austria. Ado of Vienna (d 875) recounted how Pope Gregory IV asked King Louis the Pious (778-840) to proclaim Nov. 1 as All Saints Day throughout the Holy Roman Empire. Sacramentaries of the 9th and 10th centuries also placed the Feast of All Saints on the liturgical calendar on Nov. 1.” (http://www.catholiceducation.org/articles/religion/re0199.html)

Malinaw naman Bok eh, ang All Saints Day ay malayong malayo sa sentido ng mga PAGANO ukol sa HALLOWEEN, sobrang magkaiba ang dalawang ito. Ang concepto ng mga pagano sa pag-cecelebrate ng Halloween ay ang paniniwala nila na ang mga espiritu ng mga yumao ay babalik para sirain ang kanilang pananim, kaya ginagawa nila ang festival na ito upang paghandaan ang nasabing mga espiritu. Sa Kristyanismo ay pag-alaala sa mga taong BANAL na at MARTIR ng Kristyanismo, dito pa lamang ay napakalaki na ng pagkakaiba. Hindi naman siguro mga mangmang ang ibang sekta para hindi nila makita ang pagkakaiba ng dalawa? Ewan ko bas a kagustuhan nilang ibagsak at siraan ang Banal na Simbahan ay kung ano-anong katha ang kanilang ginagawa! Ang sabi ng Biblia ang KUMAKATHA ay MANGDARAYA…

“Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan, at ang iyong dila ay KUMAKATHA NG KARAYAAN.” (Awith 50:19)

Ngayon Kapatid na Bok, ,masasabi mo pa ba na sa Diyos ang mga SEKTANG ito, kung nagagawa nilang KUMATHA ng STORYA at MANGDAYA?

BOK:

J



Monday, March 3, 2014

HAMON NG MIYEMBRO NG INC NI MANALO: ANG PAGTUGON

Sa mga nag-aabang po ng kwentuhan ni PAUL at BOK, break muna tayo sapagkat isang hamon ang nais nating tugunan bilang nagtatanggol ng pananampalatayang Katoliko. Kamakailan po ay merong post sa Facebook Group na "INC VS. CATHOLIC DEBATE CENTRAL" na naghahamon kung sino daw po ang Catholic faith defender na maaring humarap sa isang debate. At bilang Lay Apologist tayo po ay tumugon sa hamon na ito, muli iuulitin ko "TUMUGON" lamang po tayo sa hamon at HINDI po ako ang naghamon. I assume that the person who posted such challenge is authorized or at least capable of tapping people in the Central to start a debate. 

Ngunit paglipas ng araw ay nagpost nanaman ang miyembro nila na ayaw ko na lamang pangalanan (baka kasi matakwil at mapagalitan) na sinasabi kung gusto daw po makipag debate "KINAKAILANGAN SUMULAT SA CENTRAL", at ako ay nagkaroon ng alinlangan. Hindi dahil sa tayo po ay naduwag, dahil kailanman ang inyo pong lingkod ay hindi maduduwag dahil nalalaman ko po na ang pinanghahawakan kong pananampalataya ay TUNAY NA SA DIYOS, ako po ay nag-alinlangan sapagkat kapag ako po ay sumulat lalabas na AKO PO ANG NAGHAMON, at ito po ay labag sa aking PRINSIPYO bilang Lay Apologist. Una pag sinabing APOLOGETIC ay "to defend", mula sa kanyang depinisyon, ang gawain ng isang apolohista ay ipagsanggalang ang kanyang pananampalataya, at hindi "umatake" sa hindi kapananampalataya. Kaya kung mapapansin niyo po ang BLOGS ng mga Catholic Apologist ito ay nasa porma ng pag- sanggalang at hindi pag atake. Pero kung mapapansin niyo po ang ibang sekta, ang gawain po nila ay umatake sa pananampalatayang Katoliko, at tayo po naman ay buong sigasig na nagtatanggol ng pananampalataya. 

Gayunpaman, sa kagustuhan po natin na matuloy ang debate SA NGALAN NG KATOTOHANAN AT PAGTATANGGOL SA PANANAMPALATAYANG KATOLIKO mula sa mga lantarang batikos at paninira sa Santa Iglesya tayo po ay sumulat ng isang liham. Na kung saan naka-saad doon na tinatanggap ko ang HAMON na magkaroon ng isang debate, at sa pamamagitan ng miyembro nila (which I assume an authorized person) I forwarder the letter. Ngunit ang gusto po nang nasabing miyembro ng INC ni Manalo ay palabasin na AKO ANG NAGHAMON na hindi naman totoo sapagkat ang katunayan ako ay TUMUGON lamang.

Ngunit nanghihinayang naman po ako sa pagkakataon na maipahayag ang katotohanan sa nakararami lalo na sa mga miyembro ng INC ni Manalo, na PANININDIGAN KO NA ANG TUNAY NA IGLESYA ANG AY ANG IGLESYA KATOLIKA APOSTOLIKA ROMANA, at hindi ang IGLESYA NI CRISTO na lumitaw lamang noong 1914. 

Kaya muli NAIS KONG IPAHAYAG ANG AKING PAGTUGON sa HAMON na magkaroon ng isang DEBATE, sa KAHIT NA SINONG MINISTRO at titindigan ko ang nasabing proposisyon. Nawa ay merong totoong "AUTHORIZED" person na magpaparating ng hamon na ito.

Hindi po matatawaran ang galing ng ibang Catholic Apologist sa ating bansa, nariyan po ang hinanhangaan kong si Fr. Abe, Atty. Mars Llasos, si Bro. Soc Fernandez, at sino ba naman ang makalilimot kay Froilan Garza ng St. Peter's Men Society. Ako naman po ay napakalayo sa kanila at napakaliit kung ikukumpara sa mga pinagpipitagang Catholic Apologist, ngunit handa po ba ang sinomang MINISTRO ng INC ni MANALO na humarap sa kaibigan ni Bok?




Sunday, March 2, 2014

KWENTUHAN # 7 ANG PANALANGIN SA MGA PATAY


BOK:

Teka, napag-uusapan na rin lang natin ang purgatoryo, bakit pa ba kailangan ipanalangin ang mga patay ?  Hindi ba’t kaugalian g pagano yan?

PAUL:

Bok bago ang lahat, pasalamatan muna natin ang mga nakikinig sa usapan natin. Dumadami na sila at marami ang nagsheshare ng kwentuhan natin sa pagpapahayag ng katotohanan, I hope that it is serving its purpose very well, na sa pamamagitan ng simpleng kwentuhan natin ay madaling nauunawaan ang tunay na aral ng Santa Iglesya sa antas na madaling maabot ng sinoman. Pasalamatan na rin natin ang YELL Family na patuloy na nananalangin sa atin, at sa misyong ito, sa St. Peter’s Men Society na nagbahagi din sa atin ng kaalaman ukol sa pagtatanggol ng pananampalataya specifically Bro. Romy Castro, kay Bro. Arnold Gutierrez, sa walang damot niya na pagbabahagi ng kaalaman at kay Bro. Roland “Jerome” Geronimo na isang inspirasyon sa larangan ng pagtatanggol ng katotohanan. Thank you din sa mga bumabatikos sa ating kwentuhan, dahil sa kanila lalo tayong nagiging matatag at magpapatuloy, at gayun na din sayo Bok, dahil sa iyong mga katanungan ay nakapagbibigay tayo ng liwanag, at higit sa lahat sa Poong Maykapal na siyang nais nating papurihan at ikarangal sa munting pamamaraan na ito.

BOK:

Salamat din po sa pagkakataon na makapagtanong at magsuri, nawa tayo pong mga nalilito sa pananampalatayang Katoliko ay magsuri ng patas at bukas ang isipan alang-alang sa kaligtasan at Kaharian ng Diyos.

Balik tayo sa tanong ko Bro. Paul, bakit pa ba kailangan ipanalangin ang mga patay? Diba gawaing paganismo yun?

PAUL:

Kaw talag Bok, wala kang patawad hehe sige sagutin na natin yan. Unang- una ang pag-uusig sa ating mga Katoliko lalo na sa mga Pilipinong mananampalataya ay hindi lamang pag- usig sa ating paniniwala kundi pag-usig din sa ating pagka- Pilipino!

BOK:

Oh bakit naman?

PAUL:

Tignan mo Bok, likas sa ating mga Pilipino ang pagiging malapit sa ating mga mahal sa buhay, hindi lang pagiging malapit actually sa katunayan mapagmahal tayo sa ating mga mahal sa buhay. At ang pagmamahal na ito ika nga ay hindi kayang paghiwalayin maging sa pagyao man ng sinoman sa ating mga kamag-anak. Mapapansin mo pa nga sa mga sementeryo may mga “love notes” pa yung mga lapida ng mga yumao, halimbawa “I love you mama, we will miss you”. Hindi ba’t napaka unique ng kaugalian na ito? Bihira mo itong makikita sa mundo! Kaya nga maging sa kanilang kamatayan ay ipinapanalangin natin sila! Eh sino ba ang tumutuligsa dito? Mga born-again, mga protestante mga kaisipang dala ng kanluranin! Pilit nilang sinasalansang ang isang kaugaliang 100% makapamilyang Pilipino at isang kaugaliang 100% Katoliko!

100% Katoliko dahil sa Catechisim of the Catholic Church mababasa natin;

“…From the beginning the Church has honoured the memory of the dead and offered prayer in suffrage for them, above all the Eucharsitic sacrifice so that, thus purified, they may attain the beatific vision of God” (CCC, 1032)

Ipinapanalangin natin ang ating mga mahal sa buhay para sa ikaluluwalhati ng kanilang kaluluwa lalo na ang mga nasa- purgatryo na siyang pinatunyan ko na sayo kanina. (see Kwentuhan #6)

BOK:

Oo, malinaw na sa akin ang layunin ng aral na ito, pero ang tanong ko ay Biblical ba ito? 

PAUL:

Hehe Oo naman! Kung banal na kasulatan ang tatanungin malinaw na ang panalangin sa mga patay ay hindi isang gawaing pagano, lalabas sila pa ang sumasalansang sa Biblia. Sa aklat ni Ruth 2:20;

“…Pagpalain nawa siya ng Panginoon, na HINDI IKINAIT ANG KANYANG KAGANDAHANG LOOB sa mga buhay at sa MGA PATAY”

Klarong ipinapahayag sa talatang ito na ang kagandahang loob ng Diyos ay hindi lamang sa mga buhay, na kadalasan pinag pre-pray natin maging ng mga Born Again, Protestante at Iglesya ni Kristo na tayo ni Manalo. Madalas maririnig natin sa mga Christian Fellowship “Pastor, pagpray mo naman ang kaibigan ko…” kaso wala kang maririnig sa kanila na “pagpray mo naman ang kaluluwa ng kaibigan ko”. Bagkus, tila ito ay pagmamaliit sa kapangyarihan ng Diyos dahil hindi nila narerecognize ang kapangyarihan ng Diyos maging sa kamatayan man. Kaya pansinin mo Bok, wala silang panalangin para sa mga yumao, sa simbahan natin araw-araw, oras-oras, minu-minuto ay may panalangin tayo sa mga patay, dahil nalalaman natin na ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi lamang sa mga buhay kundi maging sa mga patay, tulad ng nabasa natin sa kasulatan, sa Ruth 20:2. Higit sa lahat ito ang ating sinasampalatayanan kung bakit tayo nananalangin sa mga patay. Si Moises man ay dumalangin para sa mga patay na mababasa pa din natin sa Banal na Kasulatan sa Exodo 32:13;

“Alalahanin mo si ABRAHAM, si ISAAC, at si ISRAEL na iyong mga lingkod, na silang iyong mga sinumpaan sa iyong sarili…”

Sentido comon na lang diba? Buhay pa ba sila Abraham, Isaac at Israel noong panahon ni Moises? Hindi na matagal na silang yumao, libong taon na ngunit isinama pa din ito sa panalangin ni Moises. Nagakasala ba sya ukol dito? Natural hindi!

Ganito din ang ginawa ni Nehemias na propeta ng Diyos nang siya ay manalangin;

“Lingapin ninyo ako at pakinggan ang aking dalangin. Dumadalangin ako sa inyo araw at gabi para sa mga Israelita. Inaamin ko na nagkasala kami sa inyo pati ang aming mga NINUNO(Nehemias 1:6)

Sentido comon ulit! Buhay pa ba ang mga ninuno nila diyan? Malamang patay na!

BOK:

Dinadaya mo ako eh, sa Ang Biblia version “magulang” ang nakalagay, natural Magandang Balita Biblia ang ginamit mo kaya pabor sa Katoliko yan. Ang idinadalangin ay magulang at hindi ninuno!

PAUL:

Magulang man o ninuno pareho lang yun, ang importante patay na sila, ngunit isinama pa din sila sa panalangin!

BOK:

May sinabi ba doon na patay na sila (mga magulang)?! Huli ka ngayon!

PAUL:

Basahin din natin, gamit ang salin na Ang Biblia, ibaba lang natin ang basa ng kaunti sa 2:5 ng Nehemias pa din;

“At nagsabi ako sa hari, kung ikinalulugod ng hari, at kung ang iyong lingkod ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin ay suguin mo ako sa Juda, sa bayan ng LIBINGAN SA AKING MGA MAGULANG, upang aking maitayo.”

Sabihin mo ngayon sa akin Bok, buhay pa ba yung mga magulang na nasa LIBINGAN NA? At yung mga magulang na iyon o ninuno na patay na ay isinama pa din sa panalangin! Ngayon nagkakasala ba ang mga Katoliko kung sila ay nananalangin para sa mga patay? Masasabi mo pa ba na ito ay paganong gawain kung ito ay mababasa sa Biblia? Unless sasabihin mong pagano si Moises at Nehemias. J

BOK:


Ahem… ahem…