Muli si BOK AT SI PAUL ay kasama ng KNOW THE TRUTH sa layuning ipaliwanag at ipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko laban sa mga naninira nito. Mapapanood po natin ang KNOW THE TRUTH sa TV Maria, at maari din pong mapanood through YouTube.com.
Si Bok at si Paul ay isang blog na tatalakay sa mga kadalasang atake o akusasyon sa ating pananampalatayang Katoliko sa mas magaan at madali at maiintindihan na pamamaraan. Nawa'y magbigay ito ng liwanag sa mga nagsusuri lalo na sa mga kapatid nating Katoliko na nagtatanong ukol sa kanilang pananampalataya. ---Bro Paul
Friday, March 14, 2014
KNOW THE TRUTH SA TV MARIA
Ang "SI BOK AT SI PAUL" po ay malugod na nag-aanyaya sa inyo na manood at tangkilikin ang KNOW THE TRUTH na pinangungunahan nila Atty. Marwell Llasos, OP at Fr. Abe Arganiosa. Ito ay isang programa na nagpapaliwanag at nagtatanggol ng pananampalatayang Katoliko mula sa mga malisyosong atake at batikos ng ibang sekta sa ating Inang Simbahan. Ang mga simpleng tanong na kung minsan ay dahilan ng paglipat ng mga mananampalatayang Katoliko sa ibang sekta ay sinasagot sa programang ito sa isang payak at simpleng pamamaraan. Tulad na kung ang Mahal na Birheng Maria ba ay sinasamba nating mga Katoliko? Ang mga Katoliko ba ay sumasamba sa mga imahen? At marami pa pong iba! Wag po tayong magsuri ukol sa ating pananampalataya sa mga taong hindi kapananampalataya, meron po kasi ang sasabihin "Ako po ay isang Katoliko, ang tanong ko po ay..." pero ang tanong ay naka-ukol kay Eli Soriano! Natural ang sagot ay laban sa pananampalatayang Katoliko, kung minsan pa nga ay may halong panunuya. Maging matalino po tayo sa ating pagsusuri, kung may tanong po kayo sa Katoliko, ay sa Katoliko po tayo magtanong.
Muli si BOK AT SI PAUL ay kasama ng KNOW THE TRUTH sa layuning ipaliwanag at ipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko laban sa mga naninira nito. Mapapanood po natin ang KNOW THE TRUTH sa TV Maria, at maari din pong mapanood through YouTube.com.
Muli si BOK AT SI PAUL ay kasama ng KNOW THE TRUTH sa layuning ipaliwanag at ipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko laban sa mga naninira nito. Mapapanood po natin ang KNOW THE TRUTH sa TV Maria, at maari din pong mapanood through YouTube.com.
Monday, March 10, 2014
KWENTUHAN # 8 PANALANGIN SA MGA SANTO
BOK:
Bakit
tayo nananalangin sa mga Santo? Bakit tayo nananalangin kay Birheng Maria? Bakit
hindi pa dumerekta sa Diyos? Diba ang sabi sa 1 Timoteo 2:5;
“Sapagkat
may isang Dios at MAY ISANG TAGAPAMAGITAN sa Dios at sa mga tao, ang taong
si Cristo Jesus”
PAUL:
Alam
mo ang nakikita ko sayo Bok ay hindi mo lubos nauunawaan ang tanong mo,
sapagkat hindi mo rin siguro nauunawaan ang aral ng Inang Simbahan ukol sa
ating mga Banal. Hindi tayo nanalangin sa mga Banal, as if na sila ang tutupad
sa ating mga panalangin dahil lalabas na hindi tayo nagtitiwala sa Diyos at
inilalagay natin sa kamay ng mga Banal ang ating mga panalangin. At ito ang
pilit na isinasaksak sa atin ng ibang sekta na hindi rin nauunawaan ang bagay
na ito, pilit nila na gustong paniwalain ang mga Katoliko pati ang kanilang mga
miyembro na ang Iglesya Katolika ay dumadalangin sa mga Santo, at paparatangan
tayo na sumasamba sa mga diyos-diyusan.
So
linawin lamang natin, hindi tayo humihingi ng kasagutan sa ating mga panalangin
na as if ang magbibigay nito ay kung sinoman sa mga Santo, bagkus alam natin na
ang Diyos lamang ang siyang makasasagot nito.
Tatanungin mo ako ngayon Bok, ano ngayon ang trabaho ng mga Banal ukol
sa ating mga panalangin? Bakit hindi tayo dumeretso sa Diyos tulad ng nabanggit
sa 1 Tim. 2:5?
BOK:
Ano
nga ba?
PAUL:
Ang
mga Banal ay intercessors sa ating mga panalangin, dahil sila ay mas higit na
mas malapit sa ating Panginoong Hesucristo, at nakatanggap na ng kaluwalhatian
mula sa Diyos. Pag sinabing intercession sa striktong depenisyon nito, ayon sa
isang Catholic Dictionary ni J.A. Hardon,S.J.
“Entreaty in favor of another person; hence mediation”, at ang mga Santo ay
siyang ang “intrcessors” o namamagitan sa atin at kay Hesus para sa ating mga
panalangin. Pinatutunayan ito ng Banal na Kasulatan sa Roma 8:30;
“At yaong mga itinalaga niya, ay
kaniyang tinawag naman: at ang mga tinawag AY
INARING GANAP naman niya: at ang mga inaring-ganap ay NILUWALHATI din naman niya”
Ang
mga tinawag ng Diyos o kaniyang mga hinirang samakatuwid baga’y ang mga Banal
ay inaaring ganap ng ating Panginoong Hesukristo anopa’t hindi pa ba sila
malapit sa Diyos kung sila pala ay inaring ganap na ng ating Panginoong Hesus?
Sa Biblia ang mga taong hinirang ng Diyos ay mas malapit sa Diyos, tulad na
lamang ni Abraham nang kanyang ipanalangin na gumaling si Abimilech at ang
asawa nito sampu ang mga alipin nitong mga babae (Gen.20:17), at nang ang mga
Israelita ay nagkasala idinalangin din sila ni Moises at namagitan sa mga Israelita
at Diyos;
“At ang bayan ay naparoon kay Moises, at
nagsabi. Kami ay nagkasala sapagka’t kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at
laban sa iyo; idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang ahas.
At IDINALANGIN NI MOISES ANG BAYAN”
(Ex. 21:7)
Malinaw
dito na si Moises ay namagitan sa mga Israelita at sa Diyos, siyempre tinugon
ng Diyos ang panalangin ni Moises. At nang may muling magkasala sa Diyos, nang
may mga taong hindi nagsalita ng matuwid ukol sa Diyos ay ang Diyos na mismo
ang nagsabi kung ano ang maaring gawin para sila ay mapatawad, sa Job 42:8;
“…IDADALANGIN
KAYO NG AKING LINGKOD na si Job; sapagkat SIYA’Y AKING TATANGGAPIN…”
Ano
daw Bok? Idadalangin ang mga nagkasala ni Job sapagkat si Job ay tatanggapin ng
Diyos, dahil si Job ay sakdal at matuwid o banal (Job 1:1). Dito ang Panginoong
Diyos na mismo ang nagbigay ng rekomendasyon, kung gusto mo pakinggan at
tanggapin ang iyong panalangin? Mas maige na ipanalangin ka ng isang taong
lingkod ng Diyos, at tiniyak ng Diyos na siya ay tatanggapin.
Kaya
nga hindi ko maintindihan sa mga ibang sekta na ito kung bakit ayaw nila sa mga
Santo, sa mga taong tinuturing ng Diyos na malapit sa kaniya, eh malinaw naman
na sinasabi sa Biblia na sila ay pinakikinggan. Kung sila ay humihingi ng
panalangin sa kanilang mga Pastor at mga Ministro anopa’t hindi sila makahingi
ng panalangin sa mga taong Banal na tiyak na mas malapit sa Diyos! Kaya
pansinin mo, mas sikat si Ginoong Manalo para sa mga Iglesya ni Kristo (ma tayo
ni Manalo) kesa sa isang taong banal tulad ni Mother Teresa of Calcuta, o di
naman kaya’y kay St. Franciss of Asissi! Mas sikat pa si Eli Soriano para sa
mga Dating Daan members kesa sa mismong Ina ng ating Panginoong Hesucristo na
si Birheng Maria.
Tanong
ko sayo Bok, kung hihingi ka ng panalangin dahil mas malapit sila sa Diyos, kay
Ginoong Eduardo Manalo ba o sa mismong Ina ni Hesus na si Santa Mariang
Birhen? Sino sa palagay mo ang mas
malapit kay Jesus?
BOK:
Si
Maria siyempre, nanay ni Jesus yun eh!
PAUL:
Oh eh bakit itong mga sektang ito eh itinatanggi ang kakayahan ng mga Banal na mamagitan para sa kanilang mga panalangin? Bagkus ang mga leader nila ang sumisikat!
Oh eh bakit itong mga sektang ito eh itinatanggi ang kakayahan ng mga Banal na mamagitan para sa kanilang mga panalangin? Bagkus ang mga leader nila ang sumisikat!
BOK:
Pero hindi ba’t salungat ito sa 1 Tim.2:5 na sinasabi na walang ibang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, maliban sa Panginoong Hesus?
Pero hindi ba’t salungat ito sa 1 Tim.2:5 na sinasabi na walang ibang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, maliban sa Panginoong Hesus?
PAUL:
Walang
kontradiksyon dito, kasi kung salungat ito wala nang tao o hindi na naghirang
ang Diyos ng mga taong mamamagitan at dadalangin sa Diyos alang-alang sa mga
tao. Unawain kasi natin ng maige ang talatang ito! Totoo na may isang
Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, at
ito ay si Hesus pero ituloy natin ang basa sa talatang sais (6) ng 1 Timoteo
capitulo 2 pa din;
“Na IBINIGAY
ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT, na pagpapatotoong mahahayag
sa sariling kapanahunan”
Malinaw
naman ang konteksto ng 1 Timoteo 2 eh, walang ibang tagapamagitan na sukat
ikatutubos nating lahat. Meaning when it comes to salvation and redemption
walang ibang tagapamagitan o daan maliban sa Bugtong na Anak ng Diyos na si Cristo
Hesus. Anopa’t sa talatang ika-pito ng 1 Timoteo 2 pa din ay mababasa;
“Na dito’y ITINALAGA AKO NA TAGAPANGARAL AT APOSTOL…”
Dito
sinabi ni San Pablo na siya ay naitalaga bilang mangagaral at apostol at
kaakibat pa nga nito bilang isang nahirang na apostol ang mamagitan sa
panalangin na siya ding kaniyang ipinapangaral sa 1 Timoteo 2 pa din at ngayon
talatang 1;
“Una-una nga sa lahat ng mgag bagay ay
iniaaral ko na manaig, MANALANGIN,
MAMAGITAN, at magpasalamat…”
Nawawalang
kabuluhan ba ang panalangin ng mga taong matutuwid kung tayo ay hihingi sa
kanila ng panalangin? Tanungin naman natin si Apostol Santiago, mababasa naman
natin sa Santiago 5:16;
“…MALAKI
ANG NAGAGAWA ng maningas na panalangin ng TAONG MATUWID”
Malinaw
ang sabi ng Biblia, na malaki ang nagagawa ng panalangin ng isang taong
matuwid, kaya nga sinasampalatayanan natin na ang paghingi natin ng panalangin
ng isang taong Banal ay hindi winawalang kahulugan ng ating Panginoong Diyos!
BOK:
Eh
tungkol naman dun sa pag-cecelebrate niyo ng Todos Los Santos tuwing November 1,
eh diba ang Halloween ay gawaing pagano? Bakitn niyo ito ipinagdiriwang gayung
ito ay gawaing Pagano? Nabasa ko pa nga eh;
“Halloween
has its origins in the ancient CELTIC FESTIVAL known as Samhain (pronounced
"sah-win"). The festival of Samhain is a celebration of the end of
the harvest season in Gaelic culture. Samhain was a time used by the ANCIENT
PAGANS to take stock of supplies and prepare for winter. The ancient Gaels
believed that on October 31, the boundaries between the worlds of the living
and the dead overlapped and the deceased would come back to life and cause
havoc such as sickness or damaged crops.” (http://www.halloweenhistory.org/)
PAUL:
Eto
ang isa sa malinaw na pamumusong at kasinungalingang ginagawa ng ibang sekta,
lalo na ang “ANG DATING DAAN” at IGLESYA NI CRISTO”, napanood ko sa programa
nila na binbanatan nila ang Banal na Simbahan at tila pinapalabas nila na ang
Halloween ay aral o doktrina ng Katoliko. Magbibigay sila ng kanilang SARILING
KONLUSYON na ang pag-cecelebrate natin ng ALL SAINTS at ALL SOULS DAY ay sa
PAGANO dahil nga ang HALLOWEEN ay sa PAGANO.
Simple
lang naman ang tanong ko sa kanila eh… ang HALLOWEEN ba ay kapareho ng ALL
SAINTS at ALL SOULS DAY o Todos Los Santos at Araw ng mga Patay o Yumao? Yun ba
mula esensya at sentido ay magkapareho? Tiyak ako Bok hindi nila masasagot yan,
kung may mangangahas man sumagot… lalabas na siya ay kulang sa kaalaman o
sadyang sinungaling at tsismoso ika nga.
“The
exact origins of this (All Saints Day) celebration are uncertain, although,
after the legalization of Christianity in 313, a common commemoration of
Saints, especially the martyrs, appeared in various areas throughout the
Church. For instance in
the East, the city of Edessa celebrated this feast on May 13; the Syrians, on
the Friday after Easter; and the city of Antioch, on the first Sunday after
Pentecost. Both St. Ephrem (d. 373) and St. John Chrysostom (d. 407) attest to
this feast day in their preaching. In the West, a commemoration for all the
saints also was celebrated on the first Sunday after Pentecost. The primary reason
for establishing a common feast day was because of the desire to honor the
great number of martyrs, especially during the persecution of Emperor
Diocletion (284-305), the worst and most extensive of the persecutions. Quite
supply, there were not enough days of the year for a feast day for each martyr
and many of them died in groups. A common feast day for all saints, therefore
seemed most appropriate.
The
designation of Nov. 1 as the Feast of All Saints occurred over time. Pope
Gregory III (731-741) dedicated an oratory in the original St. Peter's Basilica
in honor of all the saints on Nov. 1 (at least according to some accounts), and
this date then became the official date for the celebration of the Feast of All
Saints in Rome. St Bede (d.
735) recorded the celebration of All Saints Day on Nov. 1 in England, and such
a celebration also existed in Salzburg. Austria. Ado of Vienna (d 875)
recounted how Pope Gregory IV asked King Louis the Pious (778-840) to proclaim
Nov. 1 as All Saints Day throughout the Holy Roman Empire. Sacramentaries of
the 9th and 10th centuries also placed the Feast of All Saints on the
liturgical calendar on Nov. 1.” (http://www.catholiceducation.org/articles/religion/re0199.html)
Malinaw
naman Bok eh, ang All Saints Day ay malayong malayo sa sentido ng mga PAGANO
ukol sa HALLOWEEN, sobrang magkaiba ang dalawang ito. Ang concepto ng mga
pagano sa pag-cecelebrate ng Halloween ay ang paniniwala nila na ang mga
espiritu ng mga yumao ay babalik para sirain ang kanilang pananim, kaya
ginagawa nila ang festival na ito upang paghandaan ang nasabing mga espiritu.
Sa Kristyanismo ay pag-alaala sa mga taong BANAL na at MARTIR ng Kristyanismo,
dito pa lamang ay napakalaki na ng pagkakaiba. Hindi naman siguro mga mangmang
ang ibang sekta para hindi nila makita ang pagkakaiba ng dalawa? Ewan ko bas a kagustuhan
nilang ibagsak at siraan ang Banal na Simbahan ay kung ano-anong katha ang
kanilang ginagawa! Ang sabi ng Biblia ang KUMAKATHA ay MANGDARAYA…
“Iyong ibinubuka ang
iyong bibig sa kasamaan, at ang iyong dila ay KUMAKATHA NG KARAYAAN.” (Awith 50:19)
Ngayon
Kapatid na Bok, ,masasabi mo pa ba na sa Diyos ang mga SEKTANG ito, kung
nagagawa nilang KUMATHA ng STORYA at MANGDAYA?
BOK:
J
Monday, March 3, 2014
HAMON NG MIYEMBRO NG INC NI MANALO: ANG PAGTUGON
Sa mga nag-aabang po ng kwentuhan ni PAUL at BOK, break muna tayo sapagkat isang hamon ang nais nating tugunan bilang nagtatanggol ng pananampalatayang Katoliko. Kamakailan po ay merong post sa Facebook Group na "INC VS. CATHOLIC DEBATE CENTRAL" na naghahamon kung sino daw po ang Catholic faith defender na maaring humarap sa isang debate. At bilang Lay Apologist tayo po ay tumugon sa hamon na ito, muli iuulitin ko "TUMUGON" lamang po tayo sa hamon at HINDI po ako ang naghamon. I assume that the person who posted such challenge is authorized or at least capable of tapping people in the Central to start a debate.
Ngunit paglipas ng araw ay nagpost nanaman ang miyembro nila na ayaw ko na lamang pangalanan (baka kasi matakwil at mapagalitan) na sinasabi kung gusto daw po makipag debate "KINAKAILANGAN SUMULAT SA CENTRAL", at ako ay nagkaroon ng alinlangan. Hindi dahil sa tayo po ay naduwag, dahil kailanman ang inyo pong lingkod ay hindi maduduwag dahil nalalaman ko po na ang pinanghahawakan kong pananampalataya ay TUNAY NA SA DIYOS, ako po ay nag-alinlangan sapagkat kapag ako po ay sumulat lalabas na AKO PO ANG NAGHAMON, at ito po ay labag sa aking PRINSIPYO bilang Lay Apologist. Una pag sinabing APOLOGETIC ay "to defend", mula sa kanyang depinisyon, ang gawain ng isang apolohista ay ipagsanggalang ang kanyang pananampalataya, at hindi "umatake" sa hindi kapananampalataya. Kaya kung mapapansin niyo po ang BLOGS ng mga Catholic Apologist ito ay nasa porma ng pag- sanggalang at hindi pag atake. Pero kung mapapansin niyo po ang ibang sekta, ang gawain po nila ay umatake sa pananampalatayang Katoliko, at tayo po naman ay buong sigasig na nagtatanggol ng pananampalataya.
Gayunpaman, sa kagustuhan po natin na matuloy ang debate SA NGALAN NG KATOTOHANAN AT PAGTATANGGOL SA PANANAMPALATAYANG KATOLIKO mula sa mga lantarang batikos at paninira sa Santa Iglesya tayo po ay sumulat ng isang liham. Na kung saan naka-saad doon na tinatanggap ko ang HAMON na magkaroon ng isang debate, at sa pamamagitan ng miyembro nila (which I assume an authorized person) I forwarder the letter. Ngunit ang gusto po nang nasabing miyembro ng INC ni Manalo ay palabasin na AKO ANG NAGHAMON na hindi naman totoo sapagkat ang katunayan ako ay TUMUGON lamang.
Ngunit nanghihinayang naman po ako sa pagkakataon na maipahayag ang katotohanan sa nakararami lalo na sa mga miyembro ng INC ni Manalo, na PANININDIGAN KO NA ANG TUNAY NA IGLESYA ANG AY ANG IGLESYA KATOLIKA APOSTOLIKA ROMANA, at hindi ang IGLESYA NI CRISTO na lumitaw lamang noong 1914.
Kaya muli NAIS KONG IPAHAYAG ANG AKING PAGTUGON sa HAMON na magkaroon ng isang DEBATE, sa KAHIT NA SINONG MINISTRO at titindigan ko ang nasabing proposisyon. Nawa ay merong totoong "AUTHORIZED" person na magpaparating ng hamon na ito.
Hindi po matatawaran ang galing ng ibang Catholic Apologist sa ating bansa, nariyan po ang hinanhangaan kong si Fr. Abe, Atty. Mars Llasos, si Bro. Soc Fernandez, at sino ba naman ang makalilimot kay Froilan Garza ng St. Peter's Men Society. Ako naman po ay napakalayo sa kanila at napakaliit kung ikukumpara sa mga pinagpipitagang Catholic Apologist, ngunit handa po ba ang sinomang MINISTRO ng INC ni MANALO na humarap sa kaibigan ni Bok?
Ngunit paglipas ng araw ay nagpost nanaman ang miyembro nila na ayaw ko na lamang pangalanan (baka kasi matakwil at mapagalitan) na sinasabi kung gusto daw po makipag debate "KINAKAILANGAN SUMULAT SA CENTRAL", at ako ay nagkaroon ng alinlangan. Hindi dahil sa tayo po ay naduwag, dahil kailanman ang inyo pong lingkod ay hindi maduduwag dahil nalalaman ko po na ang pinanghahawakan kong pananampalataya ay TUNAY NA SA DIYOS, ako po ay nag-alinlangan sapagkat kapag ako po ay sumulat lalabas na AKO PO ANG NAGHAMON, at ito po ay labag sa aking PRINSIPYO bilang Lay Apologist. Una pag sinabing APOLOGETIC ay "to defend", mula sa kanyang depinisyon, ang gawain ng isang apolohista ay ipagsanggalang ang kanyang pananampalataya, at hindi "umatake" sa hindi kapananampalataya. Kaya kung mapapansin niyo po ang BLOGS ng mga Catholic Apologist ito ay nasa porma ng pag- sanggalang at hindi pag atake. Pero kung mapapansin niyo po ang ibang sekta, ang gawain po nila ay umatake sa pananampalatayang Katoliko, at tayo po naman ay buong sigasig na nagtatanggol ng pananampalataya.
Gayunpaman, sa kagustuhan po natin na matuloy ang debate SA NGALAN NG KATOTOHANAN AT PAGTATANGGOL SA PANANAMPALATAYANG KATOLIKO mula sa mga lantarang batikos at paninira sa Santa Iglesya tayo po ay sumulat ng isang liham. Na kung saan naka-saad doon na tinatanggap ko ang HAMON na magkaroon ng isang debate, at sa pamamagitan ng miyembro nila (which I assume an authorized person) I forwarder the letter. Ngunit ang gusto po nang nasabing miyembro ng INC ni Manalo ay palabasin na AKO ANG NAGHAMON na hindi naman totoo sapagkat ang katunayan ako ay TUMUGON lamang.
Ngunit nanghihinayang naman po ako sa pagkakataon na maipahayag ang katotohanan sa nakararami lalo na sa mga miyembro ng INC ni Manalo, na PANININDIGAN KO NA ANG TUNAY NA IGLESYA ANG AY ANG IGLESYA KATOLIKA APOSTOLIKA ROMANA, at hindi ang IGLESYA NI CRISTO na lumitaw lamang noong 1914.
Kaya muli NAIS KONG IPAHAYAG ANG AKING PAGTUGON sa HAMON na magkaroon ng isang DEBATE, sa KAHIT NA SINONG MINISTRO at titindigan ko ang nasabing proposisyon. Nawa ay merong totoong "AUTHORIZED" person na magpaparating ng hamon na ito.
Hindi po matatawaran ang galing ng ibang Catholic Apologist sa ating bansa, nariyan po ang hinanhangaan kong si Fr. Abe, Atty. Mars Llasos, si Bro. Soc Fernandez, at sino ba naman ang makalilimot kay Froilan Garza ng St. Peter's Men Society. Ako naman po ay napakalayo sa kanila at napakaliit kung ikukumpara sa mga pinagpipitagang Catholic Apologist, ngunit handa po ba ang sinomang MINISTRO ng INC ni MANALO na humarap sa kaibigan ni Bok?
Sunday, March 2, 2014
KWENTUHAN # 7 ANG PANALANGIN SA MGA PATAY
BOK:
Teka,
napag-uusapan na rin lang natin ang purgatoryo, bakit pa ba kailangan
ipanalangin ang mga patay ? Hindi ba’t kaugalian
g pagano yan?
PAUL:
Bok bago ang lahat, pasalamatan muna natin ang mga nakikinig sa usapan natin. Dumadami na sila at marami ang nagsheshare ng kwentuhan natin sa pagpapahayag ng katotohanan, I hope that it is serving its purpose very well, na sa pamamagitan ng simpleng kwentuhan natin ay madaling nauunawaan ang tunay na aral ng Santa Iglesya sa antas na madaling maabot ng sinoman. Pasalamatan na rin natin ang YELL Family na patuloy na nananalangin sa atin, at sa misyong ito, sa St. Peter’s Men Society na nagbahagi din sa atin ng kaalaman ukol sa pagtatanggol ng pananampalataya specifically Bro. Romy Castro, kay Bro. Arnold Gutierrez, sa walang damot niya na pagbabahagi ng kaalaman at kay Bro. Roland “Jerome” Geronimo na isang inspirasyon sa larangan ng pagtatanggol ng katotohanan. Thank you din sa mga bumabatikos sa ating kwentuhan, dahil sa kanila lalo tayong nagiging matatag at magpapatuloy, at gayun na din sayo Bok, dahil sa iyong mga katanungan ay nakapagbibigay tayo ng liwanag, at higit sa lahat sa Poong Maykapal na siyang nais nating papurihan at ikarangal sa munting pamamaraan na ito.
Bok bago ang lahat, pasalamatan muna natin ang mga nakikinig sa usapan natin. Dumadami na sila at marami ang nagsheshare ng kwentuhan natin sa pagpapahayag ng katotohanan, I hope that it is serving its purpose very well, na sa pamamagitan ng simpleng kwentuhan natin ay madaling nauunawaan ang tunay na aral ng Santa Iglesya sa antas na madaling maabot ng sinoman. Pasalamatan na rin natin ang YELL Family na patuloy na nananalangin sa atin, at sa misyong ito, sa St. Peter’s Men Society na nagbahagi din sa atin ng kaalaman ukol sa pagtatanggol ng pananampalataya specifically Bro. Romy Castro, kay Bro. Arnold Gutierrez, sa walang damot niya na pagbabahagi ng kaalaman at kay Bro. Roland “Jerome” Geronimo na isang inspirasyon sa larangan ng pagtatanggol ng katotohanan. Thank you din sa mga bumabatikos sa ating kwentuhan, dahil sa kanila lalo tayong nagiging matatag at magpapatuloy, at gayun na din sayo Bok, dahil sa iyong mga katanungan ay nakapagbibigay tayo ng liwanag, at higit sa lahat sa Poong Maykapal na siyang nais nating papurihan at ikarangal sa munting pamamaraan na ito.
BOK:
Salamat din po sa pagkakataon na makapagtanong at magsuri, nawa tayo pong mga nalilito sa pananampalatayang Katoliko ay magsuri ng patas at bukas ang isipan alang-alang sa kaligtasan at Kaharian ng Diyos.
Salamat din po sa pagkakataon na makapagtanong at magsuri, nawa tayo pong mga nalilito sa pananampalatayang Katoliko ay magsuri ng patas at bukas ang isipan alang-alang sa kaligtasan at Kaharian ng Diyos.
Balik
tayo sa tanong ko Bro. Paul, bakit pa ba kailangan ipanalangin ang mga patay?
Diba gawaing paganismo yun?
PAUL:
Kaw
talag Bok, wala kang patawad hehe sige sagutin na natin yan. Unang- una ang
pag-uusig sa ating mga Katoliko lalo na sa mga Pilipinong mananampalataya ay
hindi lamang pag- usig sa ating paniniwala kundi pag-usig din sa ating pagka-
Pilipino!
BOK:
Oh
bakit naman?
PAUL:
Tignan
mo Bok, likas sa ating mga Pilipino ang pagiging malapit sa ating mga mahal sa
buhay, hindi lang pagiging malapit actually sa katunayan mapagmahal tayo sa
ating mga mahal sa buhay. At ang pagmamahal na ito ika nga ay hindi kayang
paghiwalayin maging sa pagyao man ng sinoman sa ating mga kamag-anak. Mapapansin
mo pa nga sa mga sementeryo may mga “love notes” pa yung mga lapida ng mga
yumao, halimbawa “I love you mama, we will miss you”. Hindi ba’t napaka unique
ng kaugalian na ito? Bihira mo itong makikita sa mundo! Kaya nga maging sa
kanilang kamatayan ay ipinapanalangin natin sila! Eh sino ba ang tumutuligsa
dito? Mga born-again, mga protestante mga kaisipang dala ng kanluranin! Pilit
nilang sinasalansang ang isang kaugaliang 100% makapamilyang Pilipino at isang
kaugaliang 100% Katoliko!
100%
Katoliko dahil sa Catechisim of the Catholic Church mababasa natin;
“…From the beginning the Church has
honoured the memory of the dead and offered prayer in suffrage for them, above
all the Eucharsitic sacrifice so that, thus purified, they may attain the
beatific vision of God” (CCC, 1032)
Ipinapanalangin
natin ang ating mga mahal sa buhay para sa ikaluluwalhati ng kanilang kaluluwa
lalo na ang mga nasa- purgatryo na siyang pinatunyan ko na sayo kanina. (see
Kwentuhan #6)
BOK:
Oo, malinaw na sa akin ang layunin ng aral na ito, pero ang tanong ko ay Biblical ba ito?
Oo, malinaw na sa akin ang layunin ng aral na ito, pero ang tanong ko ay Biblical ba ito?
PAUL:
Hehe
Oo naman! Kung banal na kasulatan ang tatanungin malinaw na ang panalangin sa
mga patay ay hindi isang gawaing pagano, lalabas sila pa ang sumasalansang sa
Biblia. Sa aklat ni Ruth 2:20;
“…Pagpalain nawa siya ng Panginoon, na HINDI IKINAIT ANG KANYANG KAGANDAHANG
LOOB sa mga buhay at sa MGA
PATAY”
Klarong
ipinapahayag sa talatang ito na ang kagandahang loob ng Diyos ay hindi lamang
sa mga buhay, na kadalasan pinag pre-pray natin maging ng mga Born Again,
Protestante at Iglesya ni Kristo na tayo ni Manalo. Madalas maririnig natin sa
mga Christian Fellowship “Pastor, pagpray mo naman ang kaibigan ko…” kaso wala
kang maririnig sa kanila na “pagpray mo naman ang kaluluwa ng kaibigan ko”. Bagkus,
tila ito ay pagmamaliit sa kapangyarihan ng Diyos dahil hindi nila
narerecognize ang kapangyarihan ng Diyos maging sa kamatayan man. Kaya pansinin
mo Bok, wala silang panalangin para sa mga yumao, sa simbahan natin araw-araw,
oras-oras, minu-minuto ay may panalangin tayo sa mga patay, dahil nalalaman
natin na ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi lamang sa mga buhay kundi maging
sa mga patay, tulad ng nabasa natin sa kasulatan, sa Ruth 20:2. Higit sa lahat
ito ang ating sinasampalatayanan kung bakit tayo nananalangin sa mga patay. Si
Moises man ay dumalangin para sa mga patay na mababasa pa din natin sa Banal na
Kasulatan sa Exodo 32:13;
“Alalahanin mo si ABRAHAM, si ISAAC, at si
ISRAEL na iyong mga lingkod, na
silang iyong mga sinumpaan sa iyong sarili…”
Sentido
comon na lang diba? Buhay pa ba sila Abraham, Isaac at Israel noong panahon ni
Moises? Hindi na matagal na silang yumao, libong taon na ngunit isinama pa din
ito sa panalangin ni Moises. Nagakasala ba sya ukol dito? Natural hindi!
Ganito
din ang ginawa ni Nehemias na propeta ng Diyos nang siya ay manalangin;
“Lingapin ninyo ako at pakinggan ang
aking dalangin. Dumadalangin ako sa inyo araw at gabi para sa mga Israelita.
Inaamin ko na nagkasala kami sa inyo pati ang aming mga NINUNO” (Nehemias 1:6)
Sentido
comon ulit! Buhay pa ba ang mga ninuno nila diyan? Malamang patay na!
BOK:
Dinadaya mo ako eh, sa Ang Biblia version “magulang” ang nakalagay, natural Magandang Balita Biblia ang ginamit mo kaya pabor sa Katoliko yan. Ang idinadalangin ay magulang at hindi ninuno!
Dinadaya mo ako eh, sa Ang Biblia version “magulang” ang nakalagay, natural Magandang Balita Biblia ang ginamit mo kaya pabor sa Katoliko yan. Ang idinadalangin ay magulang at hindi ninuno!
PAUL:
Magulang
man o ninuno pareho lang yun, ang importante patay na sila, ngunit isinama pa
din sila sa panalangin!
BOK:
May
sinabi ba doon na patay na sila (mga magulang)?! Huli ka ngayon!
PAUL:
Basahin din natin, gamit ang salin na Ang Biblia, ibaba lang natin ang basa ng kaunti sa 2:5 ng Nehemias pa din;
Basahin din natin, gamit ang salin na Ang Biblia, ibaba lang natin ang basa ng kaunti sa 2:5 ng Nehemias pa din;
“At nagsabi ako sa hari, kung
ikinalulugod ng hari, at kung ang iyong lingkod ay nakasumpong ng biyaya sa
iyong paningin ay suguin mo ako sa Juda, sa bayan ng LIBINGAN SA AKING MGA MAGULANG, upang aking maitayo.”
Sabihin
mo ngayon sa akin Bok, buhay pa ba yung mga magulang na nasa LIBINGAN NA? At
yung mga magulang na iyon o ninuno na patay na ay isinama pa din sa panalangin!
Ngayon nagkakasala ba ang mga Katoliko kung sila ay nananalangin para sa mga
patay? Masasabi mo pa ba na ito ay paganong gawain kung ito ay mababasa sa
Biblia? Unless sasabihin mong pagano si Moises at Nehemias. J
BOK:
Ahem…
ahem…
Thursday, February 13, 2014
KWENTUHAN # 6 ANG PURGATORYO
BOK:
May
napanood ako sa TV yung Ang Dating Daan, sabi nila buti pa daw ang pipino
mababasa sa Biblia, pero ang PURGATORYO hindi! Imbentong aral lamang daw ito ng
mga Katoliko!
PAUL:
Unang-
una ito ang kabustusan ng ibang sekta ng pananampalataya eh, pinapaliwanag nila
ang aral na hindi naman kanila. Pag aral nila sila nagpapaliwanag, pag aral
natin sila pa din? Kaya nga hindi gawain ng Katoliko na manira ng ibang sekta
para lang paniwalaan, hindi natin gawain na magpaliwanag ng doktrina ng iba at
pabulaanan ito para palabasin na tayo ang tama. Dahil sa huli ang ginawa mo
lang ay mangutya at manira at hindi ang magpatunay.
Ngayon
bago natin sagutin kung Biblical ba ang Purgatoryo, alamin muna natin ano ba
ang opisyal na turo ng Simbahang Katoliko ukol dito na tinatawag din nating
“The Final Purification”. Ayon sa CCC #1030;
“All who die in God’s grace and
friendship, but still imperfectly purified, are indeed assured of their eternal
salvation; but after death they undergo PURIFICATION, so as to achieve the
holiness necessary to enter the joy of heaven.”
Wag
na nating gawing technical… malinaw ang sabi PURIFICATION paglilinis, para sa
mga taong namatay na wala namang kasalanang mortal ngunit may mga kasalanang
venial.
BOK:
Ano
ang pagkakaiba ng mortal sa venial na kasalanan?
PAUL:
Ang
kasalanang mortal ay kasalanang pumapatay sa ating kaluluwa, ibig sabihin
tuluyang pagkwalay sa liwanag ng Diyos, ito ang mga kasalanang intensyon mong
gawin, ito mabigat at salungat sa utos ng Diyos, halimbawa na lamang ng
pagpatay. Kaya nga pag namatay ka na meron nito tiyak na impyerno ka, ngunit
kung venial naman, ito ay yung mga kasalanang di nakamamatay, halimbawa ay kasalanang
di mo sinasadya o intensyon. Bagama’t kasalanan pa din ngunit di nakamamatay.
Sa banal na kasulatan malinaw ito na ipinahayag sa Unang Sulat ni Juan 5:17;
“Lahat
ng kalikuan ay kasalanan, at may KASALANANG HINDI IKAMAMATAY”
Ngayon,
kung ikaw ay namatay na may venial sin at ang kasalanang ito ay hindi mo
naihingi ng tawad, dadaan ka sa paglilinis bago ka makapasok sa langit.
BOK:
Ahh
so ibig sabihin ng purgatoryo ay paglilinis sa kasalanan?
PAUL:
Tumpak!
Ok ka Bok ha… at dahil dito ipinapahayag pa nga sa doktrinang ito ang pag-ibig
at pagiging mahabagin ng Diyos dahil ang Diyos ay pag-ibig na mababasa natin sa
1 Juan 4:16;
“At ating nakilala at ating
sinampalatayanan ang pag-ibig ng Dios sa atin. Ang DIOS AY PAG-IBIG…”
At
ang pag-ibig na ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng pagkakataon na
malinis ang ating kasalanan, ayon sa 1 Pedro 4:8;
“…sapagkat ang PAG-IBIG ay NAGTATAKIP ng
KARAMIHANG KASALANAN”
Dito
pa lamang masasabi mo pa ba na hindi sa Diyos ang aral ukol sa Purgatoryo?
Gayung ito ay pagpapahayag ng awa at pag-ibig ng Diyos?
BOK:
Nandoon
na ako sa pag-ibig at habag ng Diyos, pero madaling sabihin na binobola mo lang
ako para maniwala sa doktrina na iyan! Ang gusto kong malaman eh Biblical ba
talaga ang Purgatory?
PAUL:
Ang
Biblia mismo ay malinaw na nagpahiwatig sa existensya ng Purgatoryo, sa Lucas
12:59;
“Sinasabi ko sa iyo. Hindi ka lalabas DOON sa anomang paraan, hanggang MABAYARAN mo ang KATAPUS-TAPUSANG LEPTA”
Dito
ay ipanahihiwatig na kung gusto mong tuluyang lumaya, sa makatuwid baga’y sa
kasalanan kinakailangan mong bayaran ang kahuli-huliang lepta, ipnahihiwatig
nito ang proseso ng paglilinis sa prgatoryo na upang ikaw ay makaalis doon at
makapasok sa langit, kinakailangan mong bayaran ang kahuli-huliang lepta sa
makatuwid baga’y ang malinis. Sa 1 Corinto 3:15
“Kung ang gawa ng sinoman ay masunog ay
malulugi siya; ngunit siya sa kaniyang sarili ay MALILIGTAS TULAD SA
PAMAMAGITAN NG APOY”
Ano
ba ang tintukoy dito na maliligtas TULAD SA PAPAMAGITAN NG APOY? Ano bang meron
sa apoy? Biblia ang pasagutin natin mababasa natin sa Zacarias 13:9 ay ito;
“At aking dadalhin ang ikatlong bahagi
ng APOY AT SILAY DADALISAYIN ko na
parang pilak na DALISAY, at sila’y
susubukin ko na parang PAGSUBOK SA
GINTO. Silay magsisitawag sa aking pangalan at AKIN SILANG DIDINGGIN…”
Malinaw,
may paglilinis na parang ginto na dinadalisay sa apoy, at ang mga nililinis ay
tumatawag sa Diyos, anopa’t silay didinggin at ito nga ay katibayan na ang
Purgatoryo ay binabanngit sa Biblia at hindi imbento lamang. Dahil ang Diyos
talaga ay nagdadalisay ng mga marurumi at makasalanan.
BOK:
Oo!
Malinaw doon na ipinapahayag na may paglilinis at pagdadalisay… eh saan mo
naman nabasa ang salitang “PURGATORYO”, bakit hindi binanggit ng Biblia?
PAUL:
Di
ka ba nakikinig bro! Binanggit na siya… ano ba ang ibig sabihin ng PURGATORY o
PURGATORYO? Ito ay nanggaling sa salitang “PURGATIO” na ang ibig sabihin ay
CLEANSING O PAGLILINIS.
Sa
mga binasa kong talata may nabanggit ba ukol sa PAGLILINIS o PAGDADALISAY?
BOK:
Hmm…
Oo na!
Monday, February 3, 2014
PAGBIBINYAG SA SANGGOL (Ano ang halaga ng Ninong at Ninang? At ano ba talaga ang pamamaraan ng binyag, lubog o buhos?)
BOK:
Napag-uusapan
na lang din natin ang binyag binyag na yan, eh bakit ba kayong mga katoliko ay
nagbibinyag ng sanggol? Hindi ba’t labag yan sa aral ng Biblia? Sa Marcos 16:16
“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas…” Ang mga sanggol ba may
pananampalataya na?
PAUL:
Unang
una bakit ba ayaw na ayaw ng mga born again at mga protestante na mabinyagan
ang mga sanggol? Eh ang Panginoong Jesucristo nga mismo ay gusto nya na inilalapit
sa kanya ang mga sanggol, sa Marcos 10:13-14 ito sabi;
“At dinadala nila sa kaniya ang maliliit
na bata, upang sila’y kanyang hipuin: at sinaway sila ng mga alagad”
Dito
dinadala ang mga bata kay Jesus upang hipuin, ngunit ang ginawa ng mga alagad
ay sinaway, tignan mo dito ha bro ayaw palapitin ng mga alagad ni Jesus ang mga
bata, pero ano ba ang sabi ni Jesus;
“Datapuwat
ng ito’y makita ni Jesus, ay nagadalang galit siya, at sinabi sa kanila,
Pabayaan niyong magsilapit sila sa akin ang maliliit na bata; HUWAG NINYO
SILANG PAGBAWALAN: Sapagkat sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios”
Pumayag
ba si Jesus na ilayo sa kanya ang mga bata?
BOK:
(silence)
PAUL:
Brother!
Sagot pumayag ba si Jesus na ilayo sa kanya ang mga bata?
BOK:
Hindi…
PAUL:
Oh
yun naman pala eh… sa halip ang gusto pa ni Jesus huwag ilayo sa kaniya,
sapagkat sa mga bata nauukol ang kaharian ng Dios. Eh bakit ang mga Born Again
at iba pang grupo ng protestante at Iglesya ni Cristo ni Manalo at marami pang
iba ay ayaw pabinyagan ang bata?! Sa pamamagitan ng Binyag ay nakikiisa tayo sa
katawan ni Hesus, sabi ni San Pablo sa mga taga Corinto sa Kapitulo 12:13-14;
“…ay binautismuhan sa iisang Espiritu
upang maging ISANG KATAWAN.”
Kung
talagang sa Diyos sila, bakit nila naman ilalayo ang bata na mapasama sa
Katawan ni Jesus? So sino ang sumusunod sa Biblia? Sa kagustuhan ni Jesus? Eh
di Katoliko! Dahil sa amin hindi namin hinahayaan na ang bata ay hindi makasama
o makiisa sa Katawan ni Jesus.
Sa
katunayan ugali na ng mga unang Kristyano na magbinyag kasama ang mga sanggol,
sa Gawa 16:15;
“At nang siya’y mabautismuhan na, at ang
kanyang MGA KASANGBAHAY…”
Ganun
din sa 1 Corinto 1:16;
“At binaustimuhan ko rin naman ang
SANGBAHAYAN ni Estefanas…”
Kita
mo na bro! Pag sinabi bang SANGBAHAYAN o KASANGBAHAY… matatanda lang ba? Pag
sinabing SANGBAHAYAN ibig sabihin LAHAT! Matanda man o bata kasama!
Sabi
nga sa Catechism of the Catholic Church o CCC, 1246;
“EVERY
person not yet baptized and only such a person is able to be baptized”
BOK:
Eh
sino ba ang nabibinyagan pag nagbibinyag ang pari? Sino ang sumasagot ng AMEN?
Eh diba yung magulang at mga ninong at ninang? Ibig sabihin sila ang
nabibinyagan at hindi yung bata!
PAUL:
Hehe
kita mo iyan! Yan ang mga ka-pilosopohan ng mga ibang sekta, gumagamit ng
iba-ibang argument na kinatha nila para lang sabihin na mali ang Katoliko at
sila ang tama. As if naman na alam nila kung ano talaga ang BAUTSIMO sa sentido
o concepto ng Inang Simbahan.
Tanungin
mo alam mo ba ang opisyal na katuruan ng Santa Iglesya ukol sa binyag? Bakit
nandoon ang mga magulang? O bakit may mga ninong o ninang? Ikaw palagay mo
bakit?
BOK:
Para
may pakim-kim? Makabawi sa ginastos sa binyag hehehe…
PAUL:
Kita
mo na! Yan ba ang opisyal na turo ng Santa Iglesya tungkol sa pagkakaroon ng
ninong o ninang?
BOK:
Di
ko alam…
PAUL:
Yan
nga ang mahirap sa atin, di natin lubos na nauunawaan pero ang ginagawa pa ay
tinutuligsa… lalo na ang ibang sekta, hindi nila lubos na nauunawaan pero kung
tuligsain kala mo ay alam na alam nila ang katuruan natin ukol dito.
Ano
ba ang sabi ng simbahan ukol sa mga NINANG O NINONG? Sila ba talaga ang
nabibinyagan sa tuwinang sila ang sumsagot sa sinasabi ng Pari? Muli sa CCC,
1255 ang sabi;
“For the grace of Baptism to unfold, the
parents’ help is important. So too is
the role of godfather and godmother, who must be firm believers, able
and ready to help the newly baptized-child or adult- on the road of Christian
life. Their task is a truly ecclesial function (officium). The whole ecclesial community
bears some responsibility for the development and safeguarding of the grace
given at Baptism”
May
sinabi ba diyan na PAKIMKIM ang dahilan? Nariyan ang mga ninong at ninang para
gumabay sa nabinyagang bata, sa ikalalago ng kanyang pananampalataya dahil sila
(magulang at mga ninong at ninang) ay may higit na pananampalataya. At hindi sa
kung ano pa mang dahilan na ibinibintang ng ibang sekta sa ating mga Katoliko. Sa
sulat ni Apostol San Pablo sa Ikalawang Timoteo 1:5 ito ang mababasa;
“Na inaalala ko ang pananampalatayang hindi
pakunwari na nasa iyo; na NAMALAGI
muna kay Loida na iyong lelang, at kay Eunice na iyong ina; at ako’y
naniniwalang lubos na nasa iyo rin naman” 2 Tim. 1:5
Ang
pananampalatayang hindi pakunwari ni Timoteo ay namalagi muna sa kanyang lelang
at ina, gayundin din naman sa binyag nating mga Katoliko. Namamalagi muna ang
pananampalataya sa mga magulang at sa mga ninong at ninang ng binibinyagan, anopa’t
sila ang katulong ng Santa Iglesya upang mapalago ang pananampalataya ng nabinyagang
sanggol.
BOK:
Sige
sabihin na natin na pwede pala ang sanggol na mabautismuhan, pero hindi ba’t
ang pagbabautismo ay sa pamamagitan ng “paglubog”, bakit sa mga katoliko
binubuhusan o winwisikan?
PAUL:
Alam
mo ba kung saan nabautismuhan si Apostol San Pablo?
BOK:
Saan?
PAUL:
Basahin
natin sa Biblia ayon sa Gawa 9:17-18 ito ang ating mababasa;
“ Lumakad nga si Ananias. PUMASOK SIYA SA BAHAY upang ipatong kay Saulo ang kaniyang mga kamay na sinabi: Kapatid na Saulo, ang Panginoon, ang nagsugo sa akin. Siya ay si Jesus na nagpakita sa iyo sa daang iyong pinanggalingan. Sinugo niya ako upang tanggapin mo ang iyong paningin at mapuspos ka ng Banal na Espiritu. 18 Agad-agad na nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis. Natanggap niya kaagad ang kaniyang mga paningin. SIYA AY TUMAYO AT BINAWTSMUHAN.”
Ngayon
Bok, saan siya nabinyagan?
BOK:
Sa
loob ng bahay?
PAUL:
May
lulubugan ba dun? May swimming pool ba dun?
BOK:
Hehe
malamang wala!
PAUL:
Ikaw
na ang may sabi… J
Tuesday, January 28, 2014
KWENTUHAN # 4 ORIGINAL SIN AT ANG MGA TYANAK
BOK:
Paano
magkakaroon ng sanctifying grace na sinasabi mo?
PAUL:
Sa
pagtanggap ng sacramento ng binyag, nililinis nito ang original sin natin, at
nagiging karapatdapat sa paningin ng Diyos.
BOK:
Ayan
na! ayan na! Paano magkakaroon ng original sin eh sanggol pa? May kasalanan na ba sila? Wala naman sa Biblia yan!
PAUL:
Alam
mo ba kung ano ang original sin?
BOK:
Oo
bata pa lang may kasalanan na! Diba ang tawag nyo nga dun batik ng orihinal
kasalanan o stain of original… batik! Stain! Bigyan kita ng halimbawa ha… kala
mo ikaw lang ang marunong ng analogy
PAUL:
May
ganun talaga?
BOK:
Ganun
talaga! Halimbawa yung panyong puti, bagong bili dahil hindi pa nagagamit kahit
kalian, pero yung panyong puti may mantsa na itim! Paanong mangyayari na may
mantsa eh hindi pa nagagamit? Parang sanggol, paanong mangyayari na may mantsa
siya ng kasalanan o original sin eh malinis pa siya… di pa makakagawa ng
kasalanan. Simpleng logic lang yan eh.
PAUL:
Unang
una kasi mali ang pagkakaunawa natin sa original sin, there is something wrong
how we picture out original sin. Kaya nga napaka- importante sa isang
mananampalatayang Katoliko na alamin nya ang kanyang sariling paniniwala o
pananampalataya, otherwise madali tayong malilito o maliligaw.
Ang
original sin ay hindi parang isang panyo na may batik ng itim, ito ay ang
kawalan ng liwanag dulot ng pagkakasala ng ating mga magulang na si Adan at si
Eba, ang tawag natin dito the Fall of Man. Ayon sa kasulatan Roma 5:12;
“Ang kasalana’y pumasok sa sanlibutan sa
PAMAMAGITAN NG ISANG TAO, at ang KAMATAYAN sa pamamagitan niya…”
Dito
malinaw na ipinahahayag ng kasulatan na sa pamamagitan ng isang tao pumasok ang
kasalanan sa sanlibutan, at walang sinabi dito na exempted ang mga sanggol, ang
sabi sanlibutan at hindi iilan lamang sa sanlibutan at hindi lamang kasalanan
ang pumasok kundi maging ang kamatayan. At ang kasalanang ito at kamatayan ay
minana natin sa Jeremias 32:10;
“Ikaw’y nagpapamalas ng kagandahang loob
sa llibo-libo ngunit PINARURUSAHAN MO
ANG MGA ANAK DAHIL SA MGA KASALANAN NG MGA MAGULANG…”
Kita
mo na Bok, maparurusahan daw, dahil ba sa kasalanan nila? Hindi! Kundi dahil sa
kasalanan ng mga magulang.
BOK:
Teka!
Oo may mga sinasabi ang Biblia tungkol sa original sin, pero diba parang
illogical kasi nga bata pa tapos may stain of original sin na?
PAUL:
Kaya
nga ang sabi ko diba hindi ito parang mantsa, ito ay kawalan ng liwanag sa
ating kaluluwa nang tayo ay ipinanganak. Ito ang kawalan ng sanctifying grace,
it is not what with “in” or what is “on” the soul, rather it is the nothingness
in the soul. At ito nga ang sanctifying grace.
BOK:
Ano
ba yang sanctifying grace na yan?
PAUL:
Ito
nga ang nawala nang magkasala ang ating mga magulang, ito ay ang pananahan ng
Diyos sa ating kaluluwa at dahil dito ibinibigay sa atin ang karapatan na makita
ang Diyos ng harapan sa kabilang buhay. In short maliwanag, di lang basta
liwanag kundi sobrang liwanag ng ating kalulawa dahil dumadaloy sa atin ang
Dios, at ang masaya dito pag tayo ay namatay na nasa atin ang liwanag na ito
may karapatan tayo na makita ang Diyos sa kabilang buhay… sure ball na langit
yun.
BOK:
Paano
maibabalik ang sanctifying grace na nawala dahil kila Adan at Eba?
PAUL:
Sa
pamamagitan ng binyag. Pero tandaan mo ito maari itong mawala kung tayo ay
magkakaroon ng kasalanang mortal, ang kasalanang ito ay ang makapaghihiwalay sa
atin sa Diyos, sabi ni Jesus sa Juan 15:5;
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga
sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa
kanya, ang siyang mamumunga ng sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung
hiwalay kayo sa akin”
Kaya
tayo may kumpisal at iba pang sakramento upang mapanatili ito.
BOK:
Katakot
naman…
PAUL:
Para
sa akin di dapat tayo matakot pag naririnig natin ito, dapat nga matuwa tayo
dahil gumawa ang Diyos ng paraan para maibalik ang karapatang nawala sa atin
dahil sa pagkakasala ni Adan at Eba, sa pamamagitan ng kanyang Anak na si
Hesus. Diba ang dapat natin tingan ang laki ng love ng Diyos sa atin? He did
not leave us alone from darkness, but God gave His son to bring light, to unify
us again with God. So lovely indeed… hay!
BOK:
Hay…
Eh nga pala paano yung mga sanggol na hindi nabinyagan? Impyerno na sila? Kasi
wala silang sanctifying grace? Sila ba yung nagiging tyanak?
PAUL:
Ayan
kakapanood mo ng horror movies, tandaan natin malaki ang pag-ibig ng Diyos at
kung saan mapupunta ang kaluluwa ng isang batang namatay ng wala pang
sakramento ng binyag ay maipapaubaya na lamang natin sa pag-ibig at awa ng
Diyos. Ayon sa 1261 ng CCC;
“As regards children who have died
without Baptism, the Church can only
entrust them to the mercy of God, as she does in her funeral rites for them…
Jesus tenderness toward children which caused him to say: “Let the children
come to me, do not hinder them” allow us to hope that there is a way of
salvation for the children who have died without Baptism. All the more urgent is the Church’s call not to prevent little children
coming to Christ through the gift of Holy Baptism.”
Ako
malaki ang tiwala ko sa pagmamahal ng Diyos sa pag-ibig nya lalo na sa mga bata
kaya hindi hahayaan ng Diyos na mapahamak sila, instead mas gusto pa nga nya na
ilapit ito sa kanya at huwag ilayo. However, kaya nga tungkulin ng isang
Katoliko at ng Simbahan na ipaabot ang grasyang dala ng sakramento ng Binyag.
So
Bok hindi sila TYANAK… sila ay munting nilalang na mahal ng Diyos (period).
BOK:
Ok
fine!
PAUL:
(smiled)
Subscribe to:
Posts (Atom)