Saturday, February 21, 2015

(New) KWENTUHAN # 9 FATHER...FATHER... Labag nga ba sa turo ni Cristo ang pagtawag ng "Father" sa mga paring Katoliko?


BOK:

Ok fine! Pero marami pa din talagang kaugalian ang mga Katoliko na hindi katanggap-tanggap eh! Tulad na lamang ng pagtawag ng “Father” sa mga pari! Hindi ba’t labag ito sa katuruan ni Hesus?

PAUL:

Hehe saan mo ba nadinig yan? Sa Dating Daan? Tamang Daan? Pasugo (magazine ng Iglesya ni Cristo)? Gumising (magazine ng Jehova’s Witness)? Saan?

BOK:

Eh basta sagutin mo na lang! Diba tama naman ako? Na sabi ng Panginoong Hesus na mababasa natin sa Mateo 23:9…

“At HUWAG N’YONG TAWAGING ‘AMA’ ang sinoman dito sa lupa, dahil IISA lamang ang inyong Ama, ang Amang nasa langit” (ASD)

…malinaw naman ang sabi ni Lord diba? Eh bakit kayong mga Katoliko kung maka- FATHER wagas!? Tawag niyo pa nga sa Pope eh “PAPA” ano ba naman yun!

PAUL:

Taray ha! Sige alam mo simple lang naman ang sagot diyan eh. Absolute ba na ipinagbabawal ang pagtawag ng Ama? Kasi kung talagang bawal bakit pa inutos ng Diyos na igalang ang Ama at Ina (Ex. 20:12)? Lalo na sa kultura nating mga Pilipino na likas na magalang sa mga magulang, tatawagin mo ba ang tatay mo sa kanyang pangalan? Halimbawa ang pangalan ng tatay mo ay “Kulas” tatawagin mo siyang “Kulas”? Hihingi ka ng baon sasabihin mo “Kulas engeng allowance ubos na eh” ganun ba?! Grabe naman kabastusan naman ata yun!

BOK:

Eh ok lang yun! Biological father yun eh kaya ok! Pero pag hindi yun ang bawal! Sa Hebreo 12:9 ito ang mababasa!

“Bukod dito, tayo’y NANGAGKAROON NG MGA AMA NG ATIN LAMAN…” (AB)

…Kaya nga pag AMA SA LAMAN o biological father pwede kasi recognized naman siya ng Biblia pero maliban diyan bawal!

PAUL:

Alam mo kapatid hehehe laki ng problema mo, pag yan ang pinaniwalaan mo mangangamote ka sa laki ng kailangan mong i- consider! Alam mo bakit?

BOK:

Bakit?

PAUL:

Kasi paano yung “Ama ng Katipunan” si Andres Bonifacio? Diba tinuturo sa school na Ama siya? Hindi sa laman! Kundi ng Katipunan! Paano si Manuel L. Quezon na “Ama ng Pambansang Wika”? Diba tinuturo sa school na AMA siya, pero hindi sa laman ha! Kundi ama sa Wika! Mali ba yun? Nagkakasala ba ang mga teacher dun?

Sige nga Bok! Paki-sagot! Hehe laki ng problema noh? Hehe mag- Katoliko ka na kasi! Bumalik ka na! Hahaha

BOK:

(Mahabang katahimikan…) Sagutin mo na lang tanong ko!

PAUL:

Hehe sagutin mo muna ang tanong ko! Reconcile mo muna yan… sabi mo kasi maliban sa Ama sa laman bawal na! So pag nagkaanak ka ituro mo na wag tawagin si Gat. Andres Bonifacio na “Ama ng Katipunan” o si Manuel L. Quezon na “Ama ng Pambansang Wika”, marami pang FATHER diyan! Father of Biology, Father of Science, Father of Astronomy, Father of Sociology, Father of Psychology! Paano yan?! Sagot Brother!

BOK:

(Mahabang katahimikan)

PAUL:


Pag nag- Katoliko ka na ulit sasagutin ko na ang tanong mo! Sa ngayon mamroblema ka muna sa mga ampaw na bintang ng mga pinakikinggan mo! Next Question!