Friday, March 14, 2014

KNOW THE TRUTH SA TV MARIA

Ang "SI BOK AT SI PAUL" po ay malugod na nag-aanyaya sa inyo na manood at tangkilikin ang KNOW THE TRUTH na pinangungunahan nila Atty. Marwell Llasos, OP at Fr. Abe Arganiosa. Ito ay isang programa na nagpapaliwanag at nagtatanggol ng pananampalatayang Katoliko mula sa mga malisyosong atake at batikos ng ibang sekta sa ating Inang Simbahan. Ang mga simpleng tanong na kung minsan ay dahilan ng paglipat ng mga mananampalatayang Katoliko sa ibang sekta ay sinasagot sa programang ito sa isang payak at simpleng pamamaraan. Tulad na kung ang Mahal na Birheng Maria ba ay sinasamba nating mga Katoliko? Ang mga Katoliko ba ay sumasamba sa mga imahen? At marami pa pong iba! Wag po tayong magsuri ukol sa ating pananampalataya sa mga taong hindi kapananampalataya, meron po kasi ang sasabihin "Ako po ay isang Katoliko, ang tanong ko po ay..." pero ang tanong ay naka-ukol kay Eli Soriano! Natural ang sagot ay laban sa pananampalatayang Katoliko, kung minsan pa nga ay may halong panunuya. Maging matalino po tayo sa ating pagsusuri, kung may tanong po kayo sa Katoliko, ay sa Katoliko po tayo magtanong.

Muli si BOK AT SI PAUL ay kasama ng KNOW THE TRUTH sa layuning ipaliwanag at ipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko laban sa mga naninira nito. Mapapanood po natin ang KNOW THE TRUTH sa TV Maria, at maari din pong mapanood through YouTube.com. 


Monday, March 10, 2014

KWENTUHAN # 8 PANALANGIN SA MGA SANTO

BOK:

Bakit tayo nananalangin sa mga Santo? Bakit tayo nananalangin kay Birheng Maria? Bakit hindi pa dumerekta sa Diyos? Diba ang sabi sa 1 Timoteo 2:5;

“Sapagkat may isang Dios at MAY ISANG TAGAPAMAGITAN sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus”

PAUL:

Alam mo ang nakikita ko sayo Bok ay hindi mo lubos nauunawaan ang tanong mo, sapagkat hindi mo rin siguro nauunawaan ang aral ng Inang Simbahan ukol sa ating mga Banal. Hindi tayo nanalangin sa mga Banal, as if na sila ang tutupad sa ating mga panalangin dahil lalabas na hindi tayo nagtitiwala sa Diyos at inilalagay natin sa kamay ng mga Banal ang ating mga panalangin. At ito ang pilit na isinasaksak sa atin ng ibang sekta na hindi rin nauunawaan ang bagay na ito, pilit nila na gustong paniwalain ang mga Katoliko pati ang kanilang mga miyembro na ang Iglesya Katolika ay dumadalangin sa mga Santo, at paparatangan tayo na sumasamba sa mga diyos-diyusan.

So linawin lamang natin, hindi tayo humihingi ng kasagutan sa ating mga panalangin na as if ang magbibigay nito ay kung sinoman sa mga Santo, bagkus alam natin na ang Diyos lamang ang siyang makasasagot nito.  Tatanungin mo ako ngayon Bok, ano ngayon ang trabaho ng mga Banal ukol sa ating mga panalangin? Bakit hindi tayo dumeretso sa Diyos tulad ng nabanggit sa 1 Tim. 2:5?

BOK:

Ano nga ba?

PAUL:

Ang mga Banal ay intercessors sa ating mga panalangin, dahil sila ay mas higit na mas malapit sa ating Panginoong Hesucristo, at nakatanggap na ng kaluwalhatian mula sa Diyos. Pag sinabing intercession sa striktong depenisyon nito, ayon sa isang Catholic Dictionary ni J.A. Hardon,S.J. “Entreaty in favor of another person; hence mediation”, at ang mga Santo ay siyang ang “intrcessors” o namamagitan sa atin at kay Hesus para sa ating mga panalangin. Pinatutunayan ito ng Banal na Kasulatan sa Roma 8:30;

“At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga tinawag AY INARING GANAP naman niya: at ang mga inaring-ganap ay NILUWALHATI din naman niya”

Ang mga tinawag ng Diyos o kaniyang mga hinirang samakatuwid baga’y ang mga Banal ay inaaring ganap ng ating Panginoong Hesukristo anopa’t hindi pa ba sila malapit sa Diyos kung sila pala ay inaring ganap na ng ating Panginoong Hesus? Sa Biblia ang mga taong hinirang ng Diyos ay mas malapit sa Diyos, tulad na lamang ni Abraham nang kanyang ipanalangin na gumaling si Abimilech at ang asawa nito sampu ang mga alipin nitong mga babae (Gen.20:17), at nang ang mga Israelita ay nagkasala idinalangin din sila ni Moises at namagitan sa mga Israelita at Diyos;

“At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi. Kami ay nagkasala sapagka’t kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at laban sa iyo; idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang ahas. At IDINALANGIN NI MOISES ANG BAYAN” (Ex. 21:7)

Malinaw dito na si Moises ay namagitan sa mga Israelita at sa Diyos, siyempre tinugon ng Diyos ang panalangin ni Moises. At nang may muling magkasala sa Diyos, nang may mga taong hindi nagsalita ng matuwid ukol sa Diyos ay ang Diyos na mismo ang nagsabi kung ano ang maaring gawin para sila ay mapatawad, sa Job 42:8;

“…IDADALANGIN KAYO NG AKING LINGKOD na si Job; sapagkat SIYA’Y AKING TATANGGAPIN…”

Ano daw Bok? Idadalangin ang mga nagkasala ni Job sapagkat si Job ay tatanggapin ng Diyos, dahil si Job ay sakdal at matuwid o banal (Job 1:1). Dito ang Panginoong Diyos na mismo ang nagbigay ng rekomendasyon, kung gusto mo pakinggan at tanggapin ang iyong panalangin? Mas maige na ipanalangin ka ng isang taong lingkod ng Diyos, at tiniyak ng Diyos na siya ay tatanggapin.

Kaya nga hindi ko maintindihan sa mga ibang sekta na ito kung bakit ayaw nila sa mga Santo, sa mga taong tinuturing ng Diyos na malapit sa kaniya, eh malinaw naman na sinasabi sa Biblia na sila ay pinakikinggan. Kung sila ay humihingi ng panalangin sa kanilang mga Pastor at mga Ministro anopa’t hindi sila makahingi ng panalangin sa mga taong Banal na tiyak na mas malapit sa Diyos! Kaya pansinin mo, mas sikat si Ginoong Manalo para sa mga Iglesya ni Kristo (ma tayo ni Manalo) kesa sa isang taong banal tulad ni Mother Teresa of Calcuta, o di naman kaya’y kay St. Franciss of Asissi! Mas sikat pa si Eli Soriano para sa mga Dating Daan members kesa sa mismong Ina ng ating Panginoong Hesucristo na si Birheng Maria.

Tanong ko sayo Bok, kung hihingi ka ng panalangin dahil mas malapit sila sa Diyos, kay Ginoong Eduardo Manalo ba o sa mismong Ina ni Hesus na si Santa Mariang Birhen?  Sino sa palagay mo ang mas malapit kay Jesus?

BOK:

Si Maria siyempre, nanay ni Jesus yun eh!



PAUL:

Oh eh bakit itong mga sektang ito eh itinatanggi ang kakayahan ng mga Banal na mamagitan para sa kanilang mga panalangin? Bagkus ang mga leader nila ang sumisikat!

BOK:

Pero hindi ba’t salungat ito sa 1 Tim.2:5 na sinasabi na walang ibang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, maliban sa Panginoong Hesus?

PAUL:

Walang kontradiksyon dito, kasi kung salungat ito wala nang tao o hindi na naghirang ang Diyos ng mga taong mamamagitan at dadalangin sa Diyos alang-alang sa mga tao. Unawain kasi natin ng maige ang talatang ito! Totoo na may isang Tagapamagitan  sa Diyos at sa mga tao, at ito ay si Hesus pero ituloy natin ang basa sa talatang sais (6) ng 1 Timoteo capitulo 2 pa din;

“Na IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT, na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan”

Malinaw naman ang konteksto ng 1 Timoteo 2 eh, walang ibang tagapamagitan na sukat ikatutubos nating lahat. Meaning when it comes to salvation and redemption walang ibang tagapamagitan o daan maliban sa Bugtong na Anak ng Diyos na si Cristo Hesus. Anopa’t sa talatang ika-pito ng 1 Timoteo 2 pa din ay mababasa;

“Na dito’y ITINALAGA AKO NA TAGAPANGARAL AT APOSTOL…”

Dito sinabi ni San Pablo na siya ay naitalaga bilang mangagaral at apostol at kaakibat pa nga nito bilang isang nahirang na apostol ang mamagitan sa panalangin na siya ding kaniyang ipinapangaral sa 1 Timoteo 2 pa din at ngayon talatang 1;

“Una-una nga sa lahat ng mgag bagay ay iniaaral ko na manaig, MANALANGIN, MAMAGITAN, at magpasalamat…”

Nawawalang kabuluhan ba ang panalangin ng mga taong matutuwid kung tayo ay hihingi sa kanila ng panalangin? Tanungin naman natin si Apostol Santiago, mababasa naman natin sa Santiago 5:16;

“…MALAKI ANG NAGAGAWA ng maningas na panalangin ng TAONG MATUWID

Malinaw ang sabi ng Biblia, na malaki ang nagagawa ng panalangin ng isang taong matuwid, kaya nga sinasampalatayanan natin na ang paghingi natin ng panalangin ng isang taong Banal ay hindi winawalang kahulugan ng ating Panginoong Diyos!



BOK:

Eh tungkol naman dun sa pag-cecelebrate niyo ng Todos Los Santos tuwing November 1, eh diba ang Halloween ay gawaing pagano? Bakitn niyo ito ipinagdiriwang gayung ito ay gawaing Pagano? Nabasa ko pa nga eh;

“Halloween has its origins in the ancient CELTIC FESTIVAL known as Samhain (pronounced "sah-win"). The festival of Samhain is a celebration of the end of the harvest season in Gaelic culture. Samhain was a time used by the ANCIENT PAGANS to take stock of supplies and prepare for winter. The ancient Gaels believed that on October 31, the boundaries between the worlds of the living and the dead overlapped and the deceased would come back to life and cause havoc such as sickness or damaged crops.” (http://www.halloweenhistory.org/)

PAUL:

Eto ang isa sa malinaw na pamumusong at kasinungalingang ginagawa ng ibang sekta, lalo na ang “ANG DATING DAAN” at IGLESYA NI CRISTO”, napanood ko sa programa nila na binbanatan nila ang Banal na Simbahan at tila pinapalabas nila na ang Halloween ay aral o doktrina ng Katoliko. Magbibigay sila ng kanilang SARILING KONLUSYON na ang pag-cecelebrate natin ng ALL SAINTS at ALL SOULS DAY ay sa PAGANO dahil nga ang HALLOWEEN ay sa PAGANO.

Simple lang naman ang tanong ko sa kanila eh… ang HALLOWEEN ba ay kapareho ng ALL SAINTS at ALL SOULS DAY o Todos Los Santos at Araw ng mga Patay o Yumao? Yun ba mula esensya at sentido ay magkapareho? Tiyak ako Bok hindi nila masasagot yan, kung may mangangahas man sumagot… lalabas na siya ay kulang sa kaalaman o sadyang sinungaling at tsismoso ika nga.

“The exact origins of this (All Saints Day) celebration are uncertain, although, after the legalization of Christianity in 313, a common commemoration of Saints, especially the martyrs, appeared in various areas throughout the Church. For instance in the East, the city of Edessa celebrated this feast on May 13; the Syrians, on the Friday after Easter; and the city of Antioch, on the first Sunday after Pentecost. Both St. Ephrem (d. 373) and St. John Chrysostom (d. 407) attest to this feast day in their preaching. In the West, a commemoration for all the saints also was celebrated on the first Sunday after Pentecost. The primary reason for establishing a common feast day was because of the desire to honor the great number of martyrs, especially during the persecution of Emperor Diocletion (284-305), the worst and most extensive of the persecutions. Quite supply, there were not enough days of the year for a feast day for each martyr and many of them died in groups. A common feast day for all saints, therefore seemed most appropriate.

The designation of Nov. 1 as the Feast of All Saints occurred over time. Pope Gregory III (731-741) dedicated an oratory in the original St. Peter's Basilica in honor of all the saints on Nov. 1 (at least according to some accounts), and this date then became the official date for the celebration of the Feast of All Saints in Rome. St Bede (d. 735) recorded the celebration of All Saints Day on Nov. 1 in England, and such a celebration also existed in Salzburg. Austria. Ado of Vienna (d 875) recounted how Pope Gregory IV asked King Louis the Pious (778-840) to proclaim Nov. 1 as All Saints Day throughout the Holy Roman Empire. Sacramentaries of the 9th and 10th centuries also placed the Feast of All Saints on the liturgical calendar on Nov. 1.” (http://www.catholiceducation.org/articles/religion/re0199.html)

Malinaw naman Bok eh, ang All Saints Day ay malayong malayo sa sentido ng mga PAGANO ukol sa HALLOWEEN, sobrang magkaiba ang dalawang ito. Ang concepto ng mga pagano sa pag-cecelebrate ng Halloween ay ang paniniwala nila na ang mga espiritu ng mga yumao ay babalik para sirain ang kanilang pananim, kaya ginagawa nila ang festival na ito upang paghandaan ang nasabing mga espiritu. Sa Kristyanismo ay pag-alaala sa mga taong BANAL na at MARTIR ng Kristyanismo, dito pa lamang ay napakalaki na ng pagkakaiba. Hindi naman siguro mga mangmang ang ibang sekta para hindi nila makita ang pagkakaiba ng dalawa? Ewan ko bas a kagustuhan nilang ibagsak at siraan ang Banal na Simbahan ay kung ano-anong katha ang kanilang ginagawa! Ang sabi ng Biblia ang KUMAKATHA ay MANGDARAYA…

“Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan, at ang iyong dila ay KUMAKATHA NG KARAYAAN.” (Awith 50:19)

Ngayon Kapatid na Bok, ,masasabi mo pa ba na sa Diyos ang mga SEKTANG ito, kung nagagawa nilang KUMATHA ng STORYA at MANGDAYA?

BOK:

J



Monday, March 3, 2014

HAMON NG MIYEMBRO NG INC NI MANALO: ANG PAGTUGON

Sa mga nag-aabang po ng kwentuhan ni PAUL at BOK, break muna tayo sapagkat isang hamon ang nais nating tugunan bilang nagtatanggol ng pananampalatayang Katoliko. Kamakailan po ay merong post sa Facebook Group na "INC VS. CATHOLIC DEBATE CENTRAL" na naghahamon kung sino daw po ang Catholic faith defender na maaring humarap sa isang debate. At bilang Lay Apologist tayo po ay tumugon sa hamon na ito, muli iuulitin ko "TUMUGON" lamang po tayo sa hamon at HINDI po ako ang naghamon. I assume that the person who posted such challenge is authorized or at least capable of tapping people in the Central to start a debate. 

Ngunit paglipas ng araw ay nagpost nanaman ang miyembro nila na ayaw ko na lamang pangalanan (baka kasi matakwil at mapagalitan) na sinasabi kung gusto daw po makipag debate "KINAKAILANGAN SUMULAT SA CENTRAL", at ako ay nagkaroon ng alinlangan. Hindi dahil sa tayo po ay naduwag, dahil kailanman ang inyo pong lingkod ay hindi maduduwag dahil nalalaman ko po na ang pinanghahawakan kong pananampalataya ay TUNAY NA SA DIYOS, ako po ay nag-alinlangan sapagkat kapag ako po ay sumulat lalabas na AKO PO ANG NAGHAMON, at ito po ay labag sa aking PRINSIPYO bilang Lay Apologist. Una pag sinabing APOLOGETIC ay "to defend", mula sa kanyang depinisyon, ang gawain ng isang apolohista ay ipagsanggalang ang kanyang pananampalataya, at hindi "umatake" sa hindi kapananampalataya. Kaya kung mapapansin niyo po ang BLOGS ng mga Catholic Apologist ito ay nasa porma ng pag- sanggalang at hindi pag atake. Pero kung mapapansin niyo po ang ibang sekta, ang gawain po nila ay umatake sa pananampalatayang Katoliko, at tayo po naman ay buong sigasig na nagtatanggol ng pananampalataya. 

Gayunpaman, sa kagustuhan po natin na matuloy ang debate SA NGALAN NG KATOTOHANAN AT PAGTATANGGOL SA PANANAMPALATAYANG KATOLIKO mula sa mga lantarang batikos at paninira sa Santa Iglesya tayo po ay sumulat ng isang liham. Na kung saan naka-saad doon na tinatanggap ko ang HAMON na magkaroon ng isang debate, at sa pamamagitan ng miyembro nila (which I assume an authorized person) I forwarder the letter. Ngunit ang gusto po nang nasabing miyembro ng INC ni Manalo ay palabasin na AKO ANG NAGHAMON na hindi naman totoo sapagkat ang katunayan ako ay TUMUGON lamang.

Ngunit nanghihinayang naman po ako sa pagkakataon na maipahayag ang katotohanan sa nakararami lalo na sa mga miyembro ng INC ni Manalo, na PANININDIGAN KO NA ANG TUNAY NA IGLESYA ANG AY ANG IGLESYA KATOLIKA APOSTOLIKA ROMANA, at hindi ang IGLESYA NI CRISTO na lumitaw lamang noong 1914. 

Kaya muli NAIS KONG IPAHAYAG ANG AKING PAGTUGON sa HAMON na magkaroon ng isang DEBATE, sa KAHIT NA SINONG MINISTRO at titindigan ko ang nasabing proposisyon. Nawa ay merong totoong "AUTHORIZED" person na magpaparating ng hamon na ito.

Hindi po matatawaran ang galing ng ibang Catholic Apologist sa ating bansa, nariyan po ang hinanhangaan kong si Fr. Abe, Atty. Mars Llasos, si Bro. Soc Fernandez, at sino ba naman ang makalilimot kay Froilan Garza ng St. Peter's Men Society. Ako naman po ay napakalayo sa kanila at napakaliit kung ikukumpara sa mga pinagpipitagang Catholic Apologist, ngunit handa po ba ang sinomang MINISTRO ng INC ni MANALO na humarap sa kaibigan ni Bok?




Sunday, March 2, 2014

KWENTUHAN # 7 ANG PANALANGIN SA MGA PATAY


BOK:

Teka, napag-uusapan na rin lang natin ang purgatoryo, bakit pa ba kailangan ipanalangin ang mga patay ?  Hindi ba’t kaugalian g pagano yan?

PAUL:

Bok bago ang lahat, pasalamatan muna natin ang mga nakikinig sa usapan natin. Dumadami na sila at marami ang nagsheshare ng kwentuhan natin sa pagpapahayag ng katotohanan, I hope that it is serving its purpose very well, na sa pamamagitan ng simpleng kwentuhan natin ay madaling nauunawaan ang tunay na aral ng Santa Iglesya sa antas na madaling maabot ng sinoman. Pasalamatan na rin natin ang YELL Family na patuloy na nananalangin sa atin, at sa misyong ito, sa St. Peter’s Men Society na nagbahagi din sa atin ng kaalaman ukol sa pagtatanggol ng pananampalataya specifically Bro. Romy Castro, kay Bro. Arnold Gutierrez, sa walang damot niya na pagbabahagi ng kaalaman at kay Bro. Roland “Jerome” Geronimo na isang inspirasyon sa larangan ng pagtatanggol ng katotohanan. Thank you din sa mga bumabatikos sa ating kwentuhan, dahil sa kanila lalo tayong nagiging matatag at magpapatuloy, at gayun na din sayo Bok, dahil sa iyong mga katanungan ay nakapagbibigay tayo ng liwanag, at higit sa lahat sa Poong Maykapal na siyang nais nating papurihan at ikarangal sa munting pamamaraan na ito.

BOK:

Salamat din po sa pagkakataon na makapagtanong at magsuri, nawa tayo pong mga nalilito sa pananampalatayang Katoliko ay magsuri ng patas at bukas ang isipan alang-alang sa kaligtasan at Kaharian ng Diyos.

Balik tayo sa tanong ko Bro. Paul, bakit pa ba kailangan ipanalangin ang mga patay? Diba gawaing paganismo yun?

PAUL:

Kaw talag Bok, wala kang patawad hehe sige sagutin na natin yan. Unang- una ang pag-uusig sa ating mga Katoliko lalo na sa mga Pilipinong mananampalataya ay hindi lamang pag- usig sa ating paniniwala kundi pag-usig din sa ating pagka- Pilipino!

BOK:

Oh bakit naman?

PAUL:

Tignan mo Bok, likas sa ating mga Pilipino ang pagiging malapit sa ating mga mahal sa buhay, hindi lang pagiging malapit actually sa katunayan mapagmahal tayo sa ating mga mahal sa buhay. At ang pagmamahal na ito ika nga ay hindi kayang paghiwalayin maging sa pagyao man ng sinoman sa ating mga kamag-anak. Mapapansin mo pa nga sa mga sementeryo may mga “love notes” pa yung mga lapida ng mga yumao, halimbawa “I love you mama, we will miss you”. Hindi ba’t napaka unique ng kaugalian na ito? Bihira mo itong makikita sa mundo! Kaya nga maging sa kanilang kamatayan ay ipinapanalangin natin sila! Eh sino ba ang tumutuligsa dito? Mga born-again, mga protestante mga kaisipang dala ng kanluranin! Pilit nilang sinasalansang ang isang kaugaliang 100% makapamilyang Pilipino at isang kaugaliang 100% Katoliko!

100% Katoliko dahil sa Catechisim of the Catholic Church mababasa natin;

“…From the beginning the Church has honoured the memory of the dead and offered prayer in suffrage for them, above all the Eucharsitic sacrifice so that, thus purified, they may attain the beatific vision of God” (CCC, 1032)

Ipinapanalangin natin ang ating mga mahal sa buhay para sa ikaluluwalhati ng kanilang kaluluwa lalo na ang mga nasa- purgatryo na siyang pinatunyan ko na sayo kanina. (see Kwentuhan #6)

BOK:

Oo, malinaw na sa akin ang layunin ng aral na ito, pero ang tanong ko ay Biblical ba ito? 

PAUL:

Hehe Oo naman! Kung banal na kasulatan ang tatanungin malinaw na ang panalangin sa mga patay ay hindi isang gawaing pagano, lalabas sila pa ang sumasalansang sa Biblia. Sa aklat ni Ruth 2:20;

“…Pagpalain nawa siya ng Panginoon, na HINDI IKINAIT ANG KANYANG KAGANDAHANG LOOB sa mga buhay at sa MGA PATAY”

Klarong ipinapahayag sa talatang ito na ang kagandahang loob ng Diyos ay hindi lamang sa mga buhay, na kadalasan pinag pre-pray natin maging ng mga Born Again, Protestante at Iglesya ni Kristo na tayo ni Manalo. Madalas maririnig natin sa mga Christian Fellowship “Pastor, pagpray mo naman ang kaibigan ko…” kaso wala kang maririnig sa kanila na “pagpray mo naman ang kaluluwa ng kaibigan ko”. Bagkus, tila ito ay pagmamaliit sa kapangyarihan ng Diyos dahil hindi nila narerecognize ang kapangyarihan ng Diyos maging sa kamatayan man. Kaya pansinin mo Bok, wala silang panalangin para sa mga yumao, sa simbahan natin araw-araw, oras-oras, minu-minuto ay may panalangin tayo sa mga patay, dahil nalalaman natin na ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi lamang sa mga buhay kundi maging sa mga patay, tulad ng nabasa natin sa kasulatan, sa Ruth 20:2. Higit sa lahat ito ang ating sinasampalatayanan kung bakit tayo nananalangin sa mga patay. Si Moises man ay dumalangin para sa mga patay na mababasa pa din natin sa Banal na Kasulatan sa Exodo 32:13;

“Alalahanin mo si ABRAHAM, si ISAAC, at si ISRAEL na iyong mga lingkod, na silang iyong mga sinumpaan sa iyong sarili…”

Sentido comon na lang diba? Buhay pa ba sila Abraham, Isaac at Israel noong panahon ni Moises? Hindi na matagal na silang yumao, libong taon na ngunit isinama pa din ito sa panalangin ni Moises. Nagakasala ba sya ukol dito? Natural hindi!

Ganito din ang ginawa ni Nehemias na propeta ng Diyos nang siya ay manalangin;

“Lingapin ninyo ako at pakinggan ang aking dalangin. Dumadalangin ako sa inyo araw at gabi para sa mga Israelita. Inaamin ko na nagkasala kami sa inyo pati ang aming mga NINUNO(Nehemias 1:6)

Sentido comon ulit! Buhay pa ba ang mga ninuno nila diyan? Malamang patay na!

BOK:

Dinadaya mo ako eh, sa Ang Biblia version “magulang” ang nakalagay, natural Magandang Balita Biblia ang ginamit mo kaya pabor sa Katoliko yan. Ang idinadalangin ay magulang at hindi ninuno!

PAUL:

Magulang man o ninuno pareho lang yun, ang importante patay na sila, ngunit isinama pa din sila sa panalangin!

BOK:

May sinabi ba doon na patay na sila (mga magulang)?! Huli ka ngayon!

PAUL:

Basahin din natin, gamit ang salin na Ang Biblia, ibaba lang natin ang basa ng kaunti sa 2:5 ng Nehemias pa din;

“At nagsabi ako sa hari, kung ikinalulugod ng hari, at kung ang iyong lingkod ay nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin ay suguin mo ako sa Juda, sa bayan ng LIBINGAN SA AKING MGA MAGULANG, upang aking maitayo.”

Sabihin mo ngayon sa akin Bok, buhay pa ba yung mga magulang na nasa LIBINGAN NA? At yung mga magulang na iyon o ninuno na patay na ay isinama pa din sa panalangin! Ngayon nagkakasala ba ang mga Katoliko kung sila ay nananalangin para sa mga patay? Masasabi mo pa ba na ito ay paganong gawain kung ito ay mababasa sa Biblia? Unless sasabihin mong pagano si Moises at Nehemias. J

BOK:


Ahem… ahem…