Thursday, January 23, 2014

KWENTUHAN # 3 LIGTAS KA NA BA?



BOK:

Ang importante naman eh hindi kung ano o paano para sa kaligtasan natin, ang importante just have faith and accept Lord Jesus Christ as your Lord and saviour and you will be save. Ikaw ligtas ka na ba?

PAUL:

Huh? Ako?

BOK:

Oo ikaw brother ligtas ka na ba? Kristyano ka na ba? Kahit saan kang pumunta na relihiyon it’s not important, the most important is you should have faith.

PAUL:

Di ako sigurado, makasalanan ako kaya nagsusumikap ako na maging karapatdapat sa Diyos.

BOK:

Hina naman ng faith mo bro! May faith ka ba?

PAUL:

Oo naman…

BOK:

Eh di ligtas ka na!

PAUL:

Ganun? Parang noodles lang instant huh?! Hehe

Sa ating mga Katoliko hindi ganun yun, hindi dahil lang may faith ka na ligtas ka na, turo yan kadalasan ng mga Born Again, at ang instant salvation na doktrina na ito ay sinimulan ni Martin Luther noong panahon ng reformation ng mga protestant noong 15th Century.   

BOK:

Paano ba masisiguro ang kaligtasan?

PAUL:

Ang sigurado kapag napanatili mo ang sanctifying grace hanggang sa iyong kamatayan, ibig sabihin wala kang mortal sin o kung nagkaroon ng kumpisal at perfect na penance para sa iyong mga kasalanan. Maari ding purgtoryo para sa mga hindi ganap na nalinis o impyerno sa mga namatay na wala ang grasya ng Diyos. Pero focus muna tayo sa topic bro, lalo kang malilito. Dun tayo sa faith alone mo o sola fide doctrine.

Hindi ko sinasabi na hindi importante ang pananampalataya… napaka importante nito in fact sa Catechism of the Catholic Church o CCC;

 “Believing in Jesus Christ in the One who sent him for our salvation is necessary for obtaining that salvation. Since without faith it is impossible to please God’ and to attain to the fellowship of his sons, therefore without faith no one has ever justification, nor will anyone obtain eternal life but endures to the end”

Malinaw sa na itinuturo ng simbahan na “without faith it is impossible to please God” at hindi makakamtan ninoman ang buhay na walang hanggan. Pero hindi sinasabi na huminto sa pananampalataya lamang, may kalakip ito na gawa. Ayon sa Biblia sa Santiago 2:26

“Sapagkat kung paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayun din ang PANANAMPALATAYA NA WALANG GAWA AY PATAY”

Malinaw ang sinasabi ng sa Banal na Salita ng Dios na kung FAITH lang ay wala itong kwenta… ito ay patay! Malinaw din ito kay Apostol San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga Corinto;

“Kung ako man ay man ay may kakayahang maghayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung mayroon man ako ng lahat ng hiwaga, kung mayroon man ako ng lahat ng kaalaman at ng MALAKING PANANAMPALATAYA anupat naglilipat ako ng bundok, ngunit WALA NAMAN AKONG PAG-IBIG, WALA AKONG KABULUHAN” (1 Cor.13:2)

Bok! Bok! Love is an act… Love is useless and untrue when you do not realize it! Ganun din dito faith is nothing when you do not love, therefore yung faith alone ng mga born again ay hindi katanggap tanggap dahil it requires “to love.” So hindi dahil nanampalataya ka na ibig sabihin ligtas ka na, you need to do something… maintain the grace of God, and cultivate it.

Kaya Bok… ligtas ka na ba?

BOK:


Hay… (sigh) 

No comments:

Post a Comment