Monday, March 10, 2014

KWENTUHAN # 8 PANALANGIN SA MGA SANTO

BOK:

Bakit tayo nananalangin sa mga Santo? Bakit tayo nananalangin kay Birheng Maria? Bakit hindi pa dumerekta sa Diyos? Diba ang sabi sa 1 Timoteo 2:5;

“Sapagkat may isang Dios at MAY ISANG TAGAPAMAGITAN sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus”

PAUL:

Alam mo ang nakikita ko sayo Bok ay hindi mo lubos nauunawaan ang tanong mo, sapagkat hindi mo rin siguro nauunawaan ang aral ng Inang Simbahan ukol sa ating mga Banal. Hindi tayo nanalangin sa mga Banal, as if na sila ang tutupad sa ating mga panalangin dahil lalabas na hindi tayo nagtitiwala sa Diyos at inilalagay natin sa kamay ng mga Banal ang ating mga panalangin. At ito ang pilit na isinasaksak sa atin ng ibang sekta na hindi rin nauunawaan ang bagay na ito, pilit nila na gustong paniwalain ang mga Katoliko pati ang kanilang mga miyembro na ang Iglesya Katolika ay dumadalangin sa mga Santo, at paparatangan tayo na sumasamba sa mga diyos-diyusan.

So linawin lamang natin, hindi tayo humihingi ng kasagutan sa ating mga panalangin na as if ang magbibigay nito ay kung sinoman sa mga Santo, bagkus alam natin na ang Diyos lamang ang siyang makasasagot nito.  Tatanungin mo ako ngayon Bok, ano ngayon ang trabaho ng mga Banal ukol sa ating mga panalangin? Bakit hindi tayo dumeretso sa Diyos tulad ng nabanggit sa 1 Tim. 2:5?

BOK:

Ano nga ba?

PAUL:

Ang mga Banal ay intercessors sa ating mga panalangin, dahil sila ay mas higit na mas malapit sa ating Panginoong Hesucristo, at nakatanggap na ng kaluwalhatian mula sa Diyos. Pag sinabing intercession sa striktong depenisyon nito, ayon sa isang Catholic Dictionary ni J.A. Hardon,S.J. “Entreaty in favor of another person; hence mediation”, at ang mga Santo ay siyang ang “intrcessors” o namamagitan sa atin at kay Hesus para sa ating mga panalangin. Pinatutunayan ito ng Banal na Kasulatan sa Roma 8:30;

“At yaong mga itinalaga niya, ay kaniyang tinawag naman: at ang mga tinawag AY INARING GANAP naman niya: at ang mga inaring-ganap ay NILUWALHATI din naman niya”

Ang mga tinawag ng Diyos o kaniyang mga hinirang samakatuwid baga’y ang mga Banal ay inaaring ganap ng ating Panginoong Hesukristo anopa’t hindi pa ba sila malapit sa Diyos kung sila pala ay inaring ganap na ng ating Panginoong Hesus? Sa Biblia ang mga taong hinirang ng Diyos ay mas malapit sa Diyos, tulad na lamang ni Abraham nang kanyang ipanalangin na gumaling si Abimilech at ang asawa nito sampu ang mga alipin nitong mga babae (Gen.20:17), at nang ang mga Israelita ay nagkasala idinalangin din sila ni Moises at namagitan sa mga Israelita at Diyos;

“At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi. Kami ay nagkasala sapagka’t kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at laban sa iyo; idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang ahas. At IDINALANGIN NI MOISES ANG BAYAN” (Ex. 21:7)

Malinaw dito na si Moises ay namagitan sa mga Israelita at sa Diyos, siyempre tinugon ng Diyos ang panalangin ni Moises. At nang may muling magkasala sa Diyos, nang may mga taong hindi nagsalita ng matuwid ukol sa Diyos ay ang Diyos na mismo ang nagsabi kung ano ang maaring gawin para sila ay mapatawad, sa Job 42:8;

“…IDADALANGIN KAYO NG AKING LINGKOD na si Job; sapagkat SIYA’Y AKING TATANGGAPIN…”

Ano daw Bok? Idadalangin ang mga nagkasala ni Job sapagkat si Job ay tatanggapin ng Diyos, dahil si Job ay sakdal at matuwid o banal (Job 1:1). Dito ang Panginoong Diyos na mismo ang nagbigay ng rekomendasyon, kung gusto mo pakinggan at tanggapin ang iyong panalangin? Mas maige na ipanalangin ka ng isang taong lingkod ng Diyos, at tiniyak ng Diyos na siya ay tatanggapin.

Kaya nga hindi ko maintindihan sa mga ibang sekta na ito kung bakit ayaw nila sa mga Santo, sa mga taong tinuturing ng Diyos na malapit sa kaniya, eh malinaw naman na sinasabi sa Biblia na sila ay pinakikinggan. Kung sila ay humihingi ng panalangin sa kanilang mga Pastor at mga Ministro anopa’t hindi sila makahingi ng panalangin sa mga taong Banal na tiyak na mas malapit sa Diyos! Kaya pansinin mo, mas sikat si Ginoong Manalo para sa mga Iglesya ni Kristo (ma tayo ni Manalo) kesa sa isang taong banal tulad ni Mother Teresa of Calcuta, o di naman kaya’y kay St. Franciss of Asissi! Mas sikat pa si Eli Soriano para sa mga Dating Daan members kesa sa mismong Ina ng ating Panginoong Hesucristo na si Birheng Maria.

Tanong ko sayo Bok, kung hihingi ka ng panalangin dahil mas malapit sila sa Diyos, kay Ginoong Eduardo Manalo ba o sa mismong Ina ni Hesus na si Santa Mariang Birhen?  Sino sa palagay mo ang mas malapit kay Jesus?

BOK:

Si Maria siyempre, nanay ni Jesus yun eh!



PAUL:

Oh eh bakit itong mga sektang ito eh itinatanggi ang kakayahan ng mga Banal na mamagitan para sa kanilang mga panalangin? Bagkus ang mga leader nila ang sumisikat!

BOK:

Pero hindi ba’t salungat ito sa 1 Tim.2:5 na sinasabi na walang ibang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, maliban sa Panginoong Hesus?

PAUL:

Walang kontradiksyon dito, kasi kung salungat ito wala nang tao o hindi na naghirang ang Diyos ng mga taong mamamagitan at dadalangin sa Diyos alang-alang sa mga tao. Unawain kasi natin ng maige ang talatang ito! Totoo na may isang Tagapamagitan  sa Diyos at sa mga tao, at ito ay si Hesus pero ituloy natin ang basa sa talatang sais (6) ng 1 Timoteo capitulo 2 pa din;

“Na IBINIGAY ANG KANIYANG SARILI NA PANGTUBOS SA LAHAT, na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan”

Malinaw naman ang konteksto ng 1 Timoteo 2 eh, walang ibang tagapamagitan na sukat ikatutubos nating lahat. Meaning when it comes to salvation and redemption walang ibang tagapamagitan o daan maliban sa Bugtong na Anak ng Diyos na si Cristo Hesus. Anopa’t sa talatang ika-pito ng 1 Timoteo 2 pa din ay mababasa;

“Na dito’y ITINALAGA AKO NA TAGAPANGARAL AT APOSTOL…”

Dito sinabi ni San Pablo na siya ay naitalaga bilang mangagaral at apostol at kaakibat pa nga nito bilang isang nahirang na apostol ang mamagitan sa panalangin na siya ding kaniyang ipinapangaral sa 1 Timoteo 2 pa din at ngayon talatang 1;

“Una-una nga sa lahat ng mgag bagay ay iniaaral ko na manaig, MANALANGIN, MAMAGITAN, at magpasalamat…”

Nawawalang kabuluhan ba ang panalangin ng mga taong matutuwid kung tayo ay hihingi sa kanila ng panalangin? Tanungin naman natin si Apostol Santiago, mababasa naman natin sa Santiago 5:16;

“…MALAKI ANG NAGAGAWA ng maningas na panalangin ng TAONG MATUWID

Malinaw ang sabi ng Biblia, na malaki ang nagagawa ng panalangin ng isang taong matuwid, kaya nga sinasampalatayanan natin na ang paghingi natin ng panalangin ng isang taong Banal ay hindi winawalang kahulugan ng ating Panginoong Diyos!



BOK:

Eh tungkol naman dun sa pag-cecelebrate niyo ng Todos Los Santos tuwing November 1, eh diba ang Halloween ay gawaing pagano? Bakitn niyo ito ipinagdiriwang gayung ito ay gawaing Pagano? Nabasa ko pa nga eh;

“Halloween has its origins in the ancient CELTIC FESTIVAL known as Samhain (pronounced "sah-win"). The festival of Samhain is a celebration of the end of the harvest season in Gaelic culture. Samhain was a time used by the ANCIENT PAGANS to take stock of supplies and prepare for winter. The ancient Gaels believed that on October 31, the boundaries between the worlds of the living and the dead overlapped and the deceased would come back to life and cause havoc such as sickness or damaged crops.” (http://www.halloweenhistory.org/)

PAUL:

Eto ang isa sa malinaw na pamumusong at kasinungalingang ginagawa ng ibang sekta, lalo na ang “ANG DATING DAAN” at IGLESYA NI CRISTO”, napanood ko sa programa nila na binbanatan nila ang Banal na Simbahan at tila pinapalabas nila na ang Halloween ay aral o doktrina ng Katoliko. Magbibigay sila ng kanilang SARILING KONLUSYON na ang pag-cecelebrate natin ng ALL SAINTS at ALL SOULS DAY ay sa PAGANO dahil nga ang HALLOWEEN ay sa PAGANO.

Simple lang naman ang tanong ko sa kanila eh… ang HALLOWEEN ba ay kapareho ng ALL SAINTS at ALL SOULS DAY o Todos Los Santos at Araw ng mga Patay o Yumao? Yun ba mula esensya at sentido ay magkapareho? Tiyak ako Bok hindi nila masasagot yan, kung may mangangahas man sumagot… lalabas na siya ay kulang sa kaalaman o sadyang sinungaling at tsismoso ika nga.

“The exact origins of this (All Saints Day) celebration are uncertain, although, after the legalization of Christianity in 313, a common commemoration of Saints, especially the martyrs, appeared in various areas throughout the Church. For instance in the East, the city of Edessa celebrated this feast on May 13; the Syrians, on the Friday after Easter; and the city of Antioch, on the first Sunday after Pentecost. Both St. Ephrem (d. 373) and St. John Chrysostom (d. 407) attest to this feast day in their preaching. In the West, a commemoration for all the saints also was celebrated on the first Sunday after Pentecost. The primary reason for establishing a common feast day was because of the desire to honor the great number of martyrs, especially during the persecution of Emperor Diocletion (284-305), the worst and most extensive of the persecutions. Quite supply, there were not enough days of the year for a feast day for each martyr and many of them died in groups. A common feast day for all saints, therefore seemed most appropriate.

The designation of Nov. 1 as the Feast of All Saints occurred over time. Pope Gregory III (731-741) dedicated an oratory in the original St. Peter's Basilica in honor of all the saints on Nov. 1 (at least according to some accounts), and this date then became the official date for the celebration of the Feast of All Saints in Rome. St Bede (d. 735) recorded the celebration of All Saints Day on Nov. 1 in England, and such a celebration also existed in Salzburg. Austria. Ado of Vienna (d 875) recounted how Pope Gregory IV asked King Louis the Pious (778-840) to proclaim Nov. 1 as All Saints Day throughout the Holy Roman Empire. Sacramentaries of the 9th and 10th centuries also placed the Feast of All Saints on the liturgical calendar on Nov. 1.” (http://www.catholiceducation.org/articles/religion/re0199.html)

Malinaw naman Bok eh, ang All Saints Day ay malayong malayo sa sentido ng mga PAGANO ukol sa HALLOWEEN, sobrang magkaiba ang dalawang ito. Ang concepto ng mga pagano sa pag-cecelebrate ng Halloween ay ang paniniwala nila na ang mga espiritu ng mga yumao ay babalik para sirain ang kanilang pananim, kaya ginagawa nila ang festival na ito upang paghandaan ang nasabing mga espiritu. Sa Kristyanismo ay pag-alaala sa mga taong BANAL na at MARTIR ng Kristyanismo, dito pa lamang ay napakalaki na ng pagkakaiba. Hindi naman siguro mga mangmang ang ibang sekta para hindi nila makita ang pagkakaiba ng dalawa? Ewan ko bas a kagustuhan nilang ibagsak at siraan ang Banal na Simbahan ay kung ano-anong katha ang kanilang ginagawa! Ang sabi ng Biblia ang KUMAKATHA ay MANGDARAYA…

“Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan, at ang iyong dila ay KUMAKATHA NG KARAYAAN.” (Awith 50:19)

Ngayon Kapatid na Bok, ,masasabi mo pa ba na sa Diyos ang mga SEKTANG ito, kung nagagawa nilang KUMATHA ng STORYA at MANGDAYA?

BOK:

J



No comments:

Post a Comment