BOK:
Teka,
napag-uusapan na rin lang natin ang purgatoryo, bakit pa ba kailangan
ipanalangin ang mga patay ? Hindi ba’t kaugalian
g pagano yan?
PAUL:
Bok bago ang lahat, pasalamatan muna natin ang mga nakikinig sa usapan natin. Dumadami na sila at marami ang nagsheshare ng kwentuhan natin sa pagpapahayag ng katotohanan, I hope that it is serving its purpose very well, na sa pamamagitan ng simpleng kwentuhan natin ay madaling nauunawaan ang tunay na aral ng Santa Iglesya sa antas na madaling maabot ng sinoman. Pasalamatan na rin natin ang YELL Family na patuloy na nananalangin sa atin, at sa misyong ito, sa St. Peter’s Men Society na nagbahagi din sa atin ng kaalaman ukol sa pagtatanggol ng pananampalataya specifically Bro. Romy Castro, kay Bro. Arnold Gutierrez, sa walang damot niya na pagbabahagi ng kaalaman at kay Bro. Roland “Jerome” Geronimo na isang inspirasyon sa larangan ng pagtatanggol ng katotohanan. Thank you din sa mga bumabatikos sa ating kwentuhan, dahil sa kanila lalo tayong nagiging matatag at magpapatuloy, at gayun na din sayo Bok, dahil sa iyong mga katanungan ay nakapagbibigay tayo ng liwanag, at higit sa lahat sa Poong Maykapal na siyang nais nating papurihan at ikarangal sa munting pamamaraan na ito.

Salamat din po sa pagkakataon na makapagtanong at magsuri, nawa tayo pong mga nalilito sa pananampalatayang Katoliko ay magsuri ng patas at bukas ang isipan alang-alang sa kaligtasan at Kaharian ng Diyos.

Balik
tayo sa tanong ko Bro. Paul, bakit pa ba kailangan ipanalangin ang mga patay?
Diba gawaing paganismo yun?
PAUL:
Kaw
talag Bok, wala kang patawad hehe sige sagutin na natin yan. Unang- una ang
pag-uusig sa ating mga Katoliko lalo na sa mga Pilipinong mananampalataya ay
hindi lamang pag- usig sa ating paniniwala kundi pag-usig din sa ating pagka-
Pilipino!
BOK:
Oh
bakit naman?
PAUL:
Tignan
mo Bok, likas sa ating mga Pilipino ang pagiging malapit sa ating mga mahal sa
buhay, hindi lang pagiging malapit actually sa katunayan mapagmahal tayo sa
ating mga mahal sa buhay. At ang pagmamahal na ito ika nga ay hindi kayang
paghiwalayin maging sa pagyao man ng sinoman sa ating mga kamag-anak. Mapapansin
mo pa nga sa mga sementeryo may mga “love notes” pa yung mga lapida ng mga
yumao, halimbawa “I love you mama, we will miss you”. Hindi ba’t napaka unique
ng kaugalian na ito? Bihira mo itong makikita sa mundo! Kaya nga maging sa
kanilang kamatayan ay ipinapanalangin natin sila! Eh sino ba ang tumutuligsa
dito? Mga born-again, mga protestante mga kaisipang dala ng kanluranin! Pilit
nilang sinasalansang ang isang kaugaliang 100% makapamilyang Pilipino at isang
kaugaliang 100% Katoliko!
100%
Katoliko dahil sa Catechisim of the Catholic Church mababasa natin;
“…From the beginning the Church has
honoured the memory of the dead and offered prayer in suffrage for them, above
all the Eucharsitic sacrifice so that, thus purified, they may attain the
beatific vision of God” (CCC, 1032)
Ipinapanalangin
natin ang ating mga mahal sa buhay para sa ikaluluwalhati ng kanilang kaluluwa
lalo na ang mga nasa- purgatryo na siyang pinatunyan ko na sayo kanina. (see
Kwentuhan #6)
BOK:
Oo, malinaw na sa akin ang layunin ng aral na ito, pero ang tanong ko ay Biblical ba ito?
Oo, malinaw na sa akin ang layunin ng aral na ito, pero ang tanong ko ay Biblical ba ito?
PAUL:
Hehe
Oo naman! Kung banal na kasulatan ang tatanungin malinaw na ang panalangin sa
mga patay ay hindi isang gawaing pagano, lalabas sila pa ang sumasalansang sa
Biblia. Sa aklat ni Ruth 2:20;
“…Pagpalain nawa siya ng Panginoon, na HINDI IKINAIT ANG KANYANG KAGANDAHANG
LOOB sa mga buhay at sa MGA
PATAY”
Klarong
ipinapahayag sa talatang ito na ang kagandahang loob ng Diyos ay hindi lamang
sa mga buhay, na kadalasan pinag pre-pray natin maging ng mga Born Again,
Protestante at Iglesya ni Kristo na tayo ni Manalo. Madalas maririnig natin sa
mga Christian Fellowship “Pastor, pagpray mo naman ang kaibigan ko…” kaso wala
kang maririnig sa kanila na “pagpray mo naman ang kaluluwa ng kaibigan ko”. Bagkus,
tila ito ay pagmamaliit sa kapangyarihan ng Diyos dahil hindi nila
narerecognize ang kapangyarihan ng Diyos maging sa kamatayan man. Kaya pansinin
mo Bok, wala silang panalangin para sa mga yumao, sa simbahan natin araw-araw,
oras-oras, minu-minuto ay may panalangin tayo sa mga patay, dahil nalalaman
natin na ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi lamang sa mga buhay kundi maging
sa mga patay, tulad ng nabasa natin sa kasulatan, sa Ruth 20:2. Higit sa lahat
ito ang ating sinasampalatayanan kung bakit tayo nananalangin sa mga patay. Si
Moises man ay dumalangin para sa mga patay na mababasa pa din natin sa Banal na
Kasulatan sa Exodo 32:13;
“Alalahanin mo si ABRAHAM, si ISAAC, at si
ISRAEL na iyong mga lingkod, na
silang iyong mga sinumpaan sa iyong sarili…”
Sentido
comon na lang diba? Buhay pa ba sila Abraham, Isaac at Israel noong panahon ni
Moises? Hindi na matagal na silang yumao, libong taon na ngunit isinama pa din
ito sa panalangin ni Moises. Nagakasala ba sya ukol dito? Natural hindi!
Ganito
din ang ginawa ni Nehemias na propeta ng Diyos nang siya ay manalangin;
“Lingapin ninyo ako at pakinggan ang
aking dalangin. Dumadalangin ako sa inyo araw at gabi para sa mga Israelita.
Inaamin ko na nagkasala kami sa inyo pati ang aming mga NINUNO” (Nehemias 1:6)
Sentido
comon ulit! Buhay pa ba ang mga ninuno nila diyan? Malamang patay na!
BOK:
Dinadaya mo ako eh, sa Ang Biblia version “magulang” ang nakalagay, natural Magandang Balita Biblia ang ginamit mo kaya pabor sa Katoliko yan. Ang idinadalangin ay magulang at hindi ninuno!
Dinadaya mo ako eh, sa Ang Biblia version “magulang” ang nakalagay, natural Magandang Balita Biblia ang ginamit mo kaya pabor sa Katoliko yan. Ang idinadalangin ay magulang at hindi ninuno!
PAUL:
Magulang
man o ninuno pareho lang yun, ang importante patay na sila, ngunit isinama pa
din sila sa panalangin!
BOK:
May
sinabi ba doon na patay na sila (mga magulang)?! Huli ka ngayon!
PAUL:
Basahin din natin, gamit ang salin na Ang Biblia, ibaba lang natin ang basa ng kaunti sa 2:5 ng Nehemias pa din;
Basahin din natin, gamit ang salin na Ang Biblia, ibaba lang natin ang basa ng kaunti sa 2:5 ng Nehemias pa din;
“At nagsabi ako sa hari, kung
ikinalulugod ng hari, at kung ang iyong lingkod ay nakasumpong ng biyaya sa
iyong paningin ay suguin mo ako sa Juda, sa bayan ng LIBINGAN SA AKING MGA MAGULANG, upang aking maitayo.”
Sabihin
mo ngayon sa akin Bok, buhay pa ba yung mga magulang na nasa LIBINGAN NA? At
yung mga magulang na iyon o ninuno na patay na ay isinama pa din sa panalangin!
Ngayon nagkakasala ba ang mga Katoliko kung sila ay nananalangin para sa mga
patay? Masasabi mo pa ba na ito ay paganong gawain kung ito ay mababasa sa
Biblia? Unless sasabihin mong pagano si Moises at Nehemias. J
BOK:
Ahem…
ahem…
No comments:
Post a Comment