Muli si BOK AT SI PAUL ay kasama ng KNOW THE TRUTH sa layuning ipaliwanag at ipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko laban sa mga naninira nito. Mapapanood po natin ang KNOW THE TRUTH sa TV Maria, at maari din pong mapanood through YouTube.com.
Si Bok at si Paul ay isang blog na tatalakay sa mga kadalasang atake o akusasyon sa ating pananampalatayang Katoliko sa mas magaan at madali at maiintindihan na pamamaraan. Nawa'y magbigay ito ng liwanag sa mga nagsusuri lalo na sa mga kapatid nating Katoliko na nagtatanong ukol sa kanilang pananampalataya. ---Bro Paul
Friday, March 14, 2014
KNOW THE TRUTH SA TV MARIA
Ang "SI BOK AT SI PAUL" po ay malugod na nag-aanyaya sa inyo na manood at tangkilikin ang KNOW THE TRUTH na pinangungunahan nila Atty. Marwell Llasos, OP at Fr. Abe Arganiosa. Ito ay isang programa na nagpapaliwanag at nagtatanggol ng pananampalatayang Katoliko mula sa mga malisyosong atake at batikos ng ibang sekta sa ating Inang Simbahan. Ang mga simpleng tanong na kung minsan ay dahilan ng paglipat ng mga mananampalatayang Katoliko sa ibang sekta ay sinasagot sa programang ito sa isang payak at simpleng pamamaraan. Tulad na kung ang Mahal na Birheng Maria ba ay sinasamba nating mga Katoliko? Ang mga Katoliko ba ay sumasamba sa mga imahen? At marami pa pong iba! Wag po tayong magsuri ukol sa ating pananampalataya sa mga taong hindi kapananampalataya, meron po kasi ang sasabihin "Ako po ay isang Katoliko, ang tanong ko po ay..." pero ang tanong ay naka-ukol kay Eli Soriano! Natural ang sagot ay laban sa pananampalatayang Katoliko, kung minsan pa nga ay may halong panunuya. Maging matalino po tayo sa ating pagsusuri, kung may tanong po kayo sa Katoliko, ay sa Katoliko po tayo magtanong.
Muli si BOK AT SI PAUL ay kasama ng KNOW THE TRUTH sa layuning ipaliwanag at ipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko laban sa mga naninira nito. Mapapanood po natin ang KNOW THE TRUTH sa TV Maria, at maari din pong mapanood through YouTube.com.
Muli si BOK AT SI PAUL ay kasama ng KNOW THE TRUTH sa layuning ipaliwanag at ipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko laban sa mga naninira nito. Mapapanood po natin ang KNOW THE TRUTH sa TV Maria, at maari din pong mapanood through YouTube.com.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment