Sa mga nag-aabang po ng kwentuhan ni PAUL at BOK, break muna tayo sapagkat isang hamon ang nais nating tugunan bilang nagtatanggol ng pananampalatayang Katoliko. Kamakailan po ay merong post sa Facebook Group na "INC VS. CATHOLIC DEBATE CENTRAL" na naghahamon kung sino daw po ang Catholic faith defender na maaring humarap sa isang debate. At bilang Lay Apologist tayo po ay tumugon sa hamon na ito, muli iuulitin ko "TUMUGON" lamang po tayo sa hamon at HINDI po ako ang naghamon. I assume that the person who posted such challenge is authorized or at least capable of tapping people in the Central to start a debate.
Ngunit paglipas ng araw ay nagpost nanaman ang miyembro nila na ayaw ko na lamang pangalanan (baka kasi matakwil at mapagalitan) na sinasabi kung gusto daw po makipag debate "KINAKAILANGAN SUMULAT SA CENTRAL", at ako ay nagkaroon ng alinlangan. Hindi dahil sa tayo po ay naduwag, dahil kailanman ang inyo pong lingkod ay hindi maduduwag dahil nalalaman ko po na ang pinanghahawakan kong pananampalataya ay TUNAY NA SA DIYOS, ako po ay nag-alinlangan sapagkat kapag ako po ay sumulat lalabas na AKO PO ANG NAGHAMON, at ito po ay labag sa aking PRINSIPYO bilang Lay Apologist. Una pag sinabing APOLOGETIC ay "to defend", mula sa kanyang depinisyon, ang gawain ng isang apolohista ay ipagsanggalang ang kanyang pananampalataya, at hindi "umatake" sa hindi kapananampalataya. Kaya kung mapapansin niyo po ang BLOGS ng mga Catholic Apologist ito ay nasa porma ng pag- sanggalang at hindi pag atake. Pero kung mapapansin niyo po ang ibang sekta, ang gawain po nila ay umatake sa pananampalatayang Katoliko, at tayo po naman ay buong sigasig na nagtatanggol ng pananampalataya.
Gayunpaman, sa kagustuhan po natin na matuloy ang debate SA NGALAN NG KATOTOHANAN AT PAGTATANGGOL SA PANANAMPALATAYANG KATOLIKO mula sa mga lantarang batikos at paninira sa Santa Iglesya tayo po ay sumulat ng isang liham. Na kung saan naka-saad doon na tinatanggap ko ang HAMON na magkaroon ng isang debate, at sa pamamagitan ng miyembro nila (which I assume an authorized person) I forwarder the letter. Ngunit ang gusto po nang nasabing miyembro ng INC ni Manalo ay palabasin na AKO ANG NAGHAMON na hindi naman totoo sapagkat ang katunayan ako ay TUMUGON lamang.
Ngunit nanghihinayang naman po ako sa pagkakataon na maipahayag ang katotohanan sa nakararami lalo na sa mga miyembro ng INC ni Manalo, na PANININDIGAN KO NA ANG TUNAY NA IGLESYA ANG AY ANG IGLESYA KATOLIKA APOSTOLIKA ROMANA, at hindi ang IGLESYA NI CRISTO na lumitaw lamang noong 1914.
Kaya muli NAIS KONG IPAHAYAG ANG AKING PAGTUGON sa HAMON na magkaroon ng isang DEBATE, sa KAHIT NA SINONG MINISTRO at titindigan ko ang nasabing proposisyon. Nawa ay merong totoong "AUTHORIZED" person na magpaparating ng hamon na ito.
Hindi po matatawaran ang galing ng ibang Catholic Apologist sa ating bansa, nariyan po ang hinanhangaan kong si Fr. Abe, Atty. Mars Llasos, si Bro. Soc Fernandez, at sino ba naman ang makalilimot kay Froilan Garza ng St. Peter's Men Society. Ako naman po ay napakalayo sa kanila at napakaliit kung ikukumpara sa mga pinagpipitagang Catholic Apologist, ngunit handa po ba ang sinomang MINISTRO ng INC ni MANALO na humarap sa kaibigan ni Bok?
No comments:
Post a Comment