Kilala
tayong mga Pilipino bilang mga maka “INA”, sa katunayan wala pa akong nakitang
bata na kapag siya ay nasaktan, halimbawa nadapa o naliligaw sa gitna ng Plaza
Miranda, ang isinisigaw nito ay “Mama” o “Mommy.” Sa katunayan ang isang
mahalagang bagay ay inahahalintulad natin sa Ina, lalo na kung ito ay dapat
nating ipagsanggalang at alagaan. Tulad na lamang ng “Inang Bayan” ay ni “Inang
Kalikasan”, maging ang buong mundo tanggap ang konsepto na ito, anopa’t tinawag
nila ang mundo na “Mother Earth.”
Kaya
nga hindi ko lubos maisip kung paanong ang ibang sekta ay nanggigigil sa ating
mga Katoliko tuwing tinatawag natin si Maria na Mama Mary. Higit pa dito ay
nagagawa nilang bastusin at isawalang bahala ang Inang Maria. Tulad na lamang
ng isang Dating Daan sa pangunguna ni Eli Soriano na may ina din naman, bobo
daw tayong mga Katoliko, bakit daw Mama Mary, nanay daw ba natin si Maria? Ito
din ang mababaw na atake ng ibang sekta na malinaw na kalapastanganan at kabastusan
sa ina ng ating Panginoong Hesus. Hindi nila magawang atakehin ang pagtawag sa
Bayan bilang isang ina, at gayundin sa kalikasan, pero ang pagtawag ng “Mama
Mary” ay gigil na gigil sila. Hindi ba’t makatarungan din naman, na kung
tanggap nila ang pagtawag natin ng “inang bayan” at “inang kalikasan” mali ba
na tawagin natin si Maria na ina din o mama? Buti pa si Lily tinawag na Mother
Lily ganun din si Ricky na tinawag din na Mother Ricky, pero may narinig ba
tayong ngumawa na Dating Daan o Iglesya ni Cristo (ni Manalo)? Wala! Sapagkat
ang layon nila ay pulaan at siraan ang Simbahang Katolika, kahit pa umabot ito
sa pangbabastos at pagsasawalang bahala sa Ina ni Hesus. Tanong lamang,
natutuwa kaya si Hesus kung babastusin natin at isawalang bahala ang kaniyang
Ina?
Isa
din sa mga paglapastangan sa Mahal na Birheng Maria ay bakit daw siya
tinatatawag na Ina ng Diyos o Mother of God? Ito ay kadalasang pangbubuska sa
atin ng mga Iglesya ni Cristo (tatag ni Manalo, 1914), diosa daw ba siya?
Ginagawa daw nating diyos si Maria.
Unang-una
wala silang karapatan na tanggalin ang karangalang ito na ibinigay sa kaniya ng
Diyos. Ginusto ng Diyos na gawin siyang Ina ng ating Panginoong Hesucristo kaya
hindi natin ito maaring salungatin, maliban na nagmamagaling pa sila sa Diyos o
kalaban sila ng Diyos. Ito ay hindi imbentong aral ng Katoliko, kundi isang
katotohanang nahahayag sa Banal na Kasulatan.
Una
si Maria ay Ina ng Diyos (Mother of God) dahil nanay siya ni Jesus na isang
Diyos… tunay na Diyos at tunay na Tao.
Si
Simon Pedro, na alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama
namin ng mahalagang pananampalataya sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo. 2 Pedro 1:1
Na
hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si
Jesucristo; Tito 2:13
Sumagot
si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon
ko at Dios ko. Juan 20:28
Malinaw sa mga
talatang nabanggit na ang Panginoong Jesus, ayon sa mga Apostol at Biblia na
siya ay Diyos! So mali ba na tawagin siyang Ina ng Diyos? Ang isang teacher
mali ba na tawagin siyang “ina ng teacher” o ang ina ng isang doctor mali ba na
tawagin siyang “ina ng doctor”.
Maliban na
itanggi nila na si Jesus ay Diyos itatanggi din nila na si Maria ay Ina ng
Diyos! Tulad ng Iglesya ni Cristo (tatag ni Manalo, 1914), na itinuturo nila si
Manalo bilang Anghel at si Cristo ay na-demote bilang tao lamang. Kung
itinatanggi nila na si Jesus ay Diyos, itatanggi nila na si Maria ay Ina ng
Diyos, ngunit pinapatunayan lamang nila, na sila din ang iglesya na hindi
kayang tanggapin na ang Diyos ay kayang magpakumbaba dahil sa kaniyang pag-ibig
at maging tao at alipin tulad natin.
Kung mahal natin
si Jesus, hindi ba’t dapat mahal din natin ang kaniyang Ina. Ibinigay ni Jesus
sa atin ang kaniyang Ina nang siya ay nasa krus “Narito ang iyong Ina” (Juan
19:27), pahalagahan natin siya, tayo din naman tiyak pinapahalagahan ng Inang
Maria, at kasama sa kaniyang mga panalangin.
Happy Mother’s day
sa lahat ng mga ina…
No comments:
Post a Comment