Sunday, May 24, 2015

BAKIT HINDI IGLESYA NI CRISTO (1914) ANG TUNAY NA IGLESYANG TATAG NI HESUS? (Part 1)

Kung magkakaroon lamang tayo ng pagkakataon upang bilangin ang mga simbahang naparehistro sa Security Exchange Commission, natitiyak kong aabot ito ng higit pa sa tatlumpong libo na ibat-ibang simbahan ang meron. Iba- iba ang nagtatag, ngunt maaring magkapareho ng pangalan ng simbahan at petsa ng pagkakatatag.

Pero kung meron mang maingay na sa pag- claim na sila ang tunay na simbahan na itinatag ni Cristo, nangunguna na diyan ang Iglesia ni Cristo (na tatag ni Manalo). Kaya nga sa halos lahat ng kanilang mga TV program, pasugo at pamamahayag, matunog at buong giting nilang pinangangalandakan na sila daw ang tunay na simbahan, ang nag- iisang simbahan na itinatag ni Cristo.

Sa pagkakataong ito, himayin natin gamit lamang ang simpleng lohika sa tulong ng references at Biblia ang katotohanan sa claim na ito ng INC ni Manalo. Hindi na ito nangangailangan ng mataas na IQ para maunawaan, nawa ang mga converted (lalo na ang mga dating Katoliko) ay maunawaan ang bawat punto na sasabihin ko.

Bakit hindi INC (ni Manalo) ang tunay na iglesya?

Una dahil HINDI SI CRISTO ANG NAGTATAG, ang isang tunay na simbahan dapat ang nagtatag ay ang mismong Panginoong Hesucristo mismo! Sa Mateo 16:18 ito ang ating mababasa;

“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya” Mateo 16:18

Malinaw na ang nagtayo ng simbahan ay ang ating Panginoong Jesus, siya ang ulo ng iglesya, sa sulat ni San Pablo sa mga taga Colosas, ito ang ating mababasa;

“At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya. At siya (Jesus) ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia…” Col. 1:18

Tulad ng sinasabi ko, madaling unawain, hindi kinakailangan maging dallubhasa upang maunawaan, sa Banal na Kasulatan malinaw na nasasaad na ang nagtatag ng simbahan ay si Kristo, at dahil Siya ang nagatatag ito ay banal…mula sa Diyos.

“Maliban itayo ng Panginoon ang bahay. Walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo “ Awit 1:27 (AB)

Kung hindi si Jesus ang nagtayo! Walang saysay! Peke! Walang kabuluhan!
Sino ba ang nagtayo ng Iglesya ni Cristo (1914)? Walang iba kundi si Felix Ysagun Manalo! Hindi ang Panginoong Jesus.

Si Felix Manalo ay ipinanganak at nabinyagan bilang Katoliko noong ika- 10 ng Mayo 1886, umanib siya sa Methodist Episcopal Church at pumasok sa seminaryo na pinapatakbo ng nasabing sekta noong 1904.  Ngunit pagkaraan lamang ng ilang taon umanib naman siya sa Presbiterian Church noong 1907 at pumasok din sa seminaryo ng sektang ito. Noong 1908 umanib naman siya sa Disciples of Christ at naging pastor dito, ngunit umalis din siya at umanib sa Christian Mission noong 1910. Tulad ng inaasahan siya ay nag- convert sa pagiging Seventh Day Adventists at syempre umalis din tulad ng kaniyang nakagawian. At July 27, 1914 nagparehistro siya ng kaniyang sariling tatag na simbahan bilang isang Sole Corporation at itinalaga ang kaniyang sarili bilang Executive Minister.

Malinaw sa tala ng kasaysayan at maging ng banal na kasulatan na ang Iglesya ni Cristo (1914) ay hindi mula sa Diyos, kundi mula sa isang tao na nagpalipat- lipat ng relihiyon mula pagiging Katoliko, lumipat sa mga protestananteng grupo paglaon ng matuto ay nagtayo ng sariling simbahan. Hindi ko alam ang kaniyang pakay kung bakit kailngan niyang magtayo ng sariling simbahan at pinarehistro pa ito bilang isang solo korporasyon.

“Sapagka’t sa hindi nila pagkaalam ng katwiran ng Dios, at sa pagsusumakit nila na MAITAYO ANG SARLING KANILA, ay hindi sila napasakop sa katwiran ng Dios” Roma 10:3

Hindi Iglesya ni Cristo (1914) ang tunay na simbahan, bakit? Dahil ang nagtatag ay TAO lamang, at hindi mula sa Diyos. Bunga ng pagkalito sa ibang relihiyon, nagtayo ng sariling kaniya, at itinakwil ang tunay na itinatag na Iglesya ni Cristo.

Kung gayon, anong simbahan ang itinatag ni Jesus? Pagbasehan natin ang batayan na hindi galing sa anomang sekta upang mapatunayan na ang Iglesya Katoliko ang tunay na Iglesya ni Cristo, matapos nating sipiin ang mga sitas sa Biblia na nabanggit ko kanina.

The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles. Over the course of centuries it developed a highly sophisticated theology and an elaborate organizational structure headed by the papacy, the oldest continuing absolute monarchy in the world.http://www.britannica.com/EBchecked/topic/507284/Roman-Catholicism#toc257667

The history of the Catholic Church begins with the teachings of Jesus Christ, who lived and preached in the 1st century AD in the province of Judea of the Roman Empire.http://en.wikipedia.org/wiki/History_of_the_Catholic_Church

The emergence of Catholic Christianity:
At least in an inchoate form all the elements of catholicity--doctrine, authority, universality--are evident in the New Testament. The Acts of the Apostles begins by focusing on the demoralized band of the disciples of Jesus in Jerusalem; but by the time its account of the first decades is finished, the Christian community has developed some nascent criteria for determining the difference between authentic ("apostolic") and inauthentic teaching and behavior.
 http://history-world.org/a_history_of_the_catholic_church.htm

Hindi lamang ang mga ito, kundi maraming aklat ang magpapatunay na ang Iglsya Katolika ang siyang tunay na itinatag ni Jesus. Huwag tayong paliligaw sa mga nagsasabi na sila ang “huling sugo” at sila an gang tunay na iglesya. Madaling magsabi na sila ang tunay, ngunit ang pagpapatunay ay isang panibagong bagay.

Simple mga kapatid. Hindi INK (ni Manalo) dahil hindi si Kristo ang nagtatag, kundi tatag ni Manalo, tama nga na sabihin na sabihin na Iglesya ni Manalo.

Itutuloy…



No comments:

Post a Comment