Friday, January 17, 2014

KWENTUHAN # 2 ANG SIGN OF THE CROSS


BOK:

Bro bakit nga ba kayong mga katoliko may sign of the cross? Eh diba diyan na nga namatay si Jesus tapos proud pa kayo.

PAUL:

Anong mali sa krus? Kung nagsasign of the cross ang mga Katoliko napakababaw naman ata na argument na sabihing “dun na nga namatay si Hesus tapos ipinagmamalaki niyo pa!

BOK:

Oo… ganun na nga, diba ang isinisigaw ng mga tao na gusto papatay si Hesus lalo na ang mga Pariseo a crucify at nagsasign of the cross sila?

PAUL:

Ito yan eh, ano ang mali sa krus ni Hesus? Hindi ba’t ito pa nga ang naging instrumento para sa ating kaligtasan? Ito ang katuparan ng kanyang misyon na tubusin ang sanlibutan sa kasalanan? So bakit ayaw ng mga born again, Iglesya ni Cristo at ibang sekta sa sign of the cross… ano ang sabi sa Biblia sa mga taong ayaw sa Krus, mababasa natin sa 1 Corinto 1:18;

“Sa mga NAPAPAHAMAK, ang aral tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa KRUS AY KAHANGALAN; ngunit SA ATIN NA MGA INILILIGTAS, ITO’Y KAPANGYARIHAN NG DIYOS” 

Ang mga taong ayaw sa krus ay yun ang mga napapahamak! Sa mga INILILIGTAS ito pala ay kapangyarihan ng Diyos, kaya nga para sa ating mga Katoliko ito ay kapangyarihan ng Diyos. Kaya hindi ko naman maintindihan sa mga kapatid nating naligaw sa ibang sekta kung bakit ayaw na ayaw nila sa Krus eh sa Biblia mismo sinabi na ito ay kapangyarihan.

At isa pa bro, anong nagsasign of the cross ang mga Pariseo na nagpapatay kay Hesus habang isinisigaw nila na ipako sa krus! Saan mababasa sa Biblia na nagsasign of the cross yung mga nagpapatay kay Hesus?

BOK:

Wala ba?
  
PAUL:

Oo wala… kita mo yung mga gawa-gawang kwento para lang sabihin na mali ang ginagawa ng Katoliko.

BOK:

Eh meron ba namang nakasulat sa Biblia na mag Sign of the Cross?

PAUL:

Ang sign of the cross ng mga Katiliko ay isang ritual gesture na mate-trace back natin na ginagawa na ng mga ninuno nating Kristyano. At hindi naman ito bawal dahil ang Diyos talaga ay gumagamit ng tanda o sign noon pa man, sa Gen. 1:14;

 “At sinabi ng Dios, Magkarooon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang mgahiwalay ng araw sa gabi; at magiging pinaka TANDA, at pinaka bahagi ng panahon…”

Gayundin sa Gen. 9:13…

“Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging TANDA ng tipan ko at lupa”

Hay naku Bok at marami pang talata na ang Diyos talaga ay nagbibigay ng tanda, tanong ko lang naman ang Krus ba tanda ng kasamaan?

BOK:

Hindi? Kapangyarihan nga daw siya eh diba sabi mo?

PAUL:

Di ko sinabi yun, sabi yan sa Biblia (1 Cor. 1:18)…

Isa pa bilang isang Kristyano dapat nating ipagmalaki o ipagmapuri kundi ang Krus na talaga namang ginagawa nating mga Katoliko, na kahit nasaan man tayong mga Katoliko sa jeep, sa paglalakad, sa oras ng panganib, bago mag exam, at kung saan saan pa… Sabi nga ni San Pablo sa mga taga Galacia

“Datapuwat malayo nawa sa akin ang PAGMAMAPURI, MALIBAN SA KRUS NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO… (Gal. 6:14)

Kaya proud kaming mga Katoliko kahit pa inuusig kami dahil sa Krus ni Hesus, sapagkat may mga taong itinatakwil ang Krus wag lamang silang usigin. Kaya ikaw Bok… ikakahiya mo pa ba ang Krus ni Kristo? 


No comments:

Post a Comment