Tuesday, January 14, 2014

KWENTUHAN # 1 REBULTO, PAGYUKOD AT PAGSAMBA

BOK:

Bakit ang mga Katoliko ay may mga rebulto? Hindi ba’t labag ito sa 10 Commandments? (Exodus 20:4-5)

PAUL:

Ano ba ang meron sa Exodo 20:4-5? Basahin muna natin to’ bago natin sagutin ang ni Kapatid na Bok… nakasulat sa Ex. 20:4 “Huwag kayong magkakaroon ng diyus-diyusan o kaya’y LARAWAN O REBULTO  ng anomang nilalang na nasa himpapawid, nasa lupa o nasa tubig. Huwag kayong yuyukod sa mga diyus-diyusang iyan sapagkat akong si Yaweh ay mapanibughuin. PARURUSAHAN KO ang aayaw sa akin pati ang kanilang mga anak hanggang sa ikaapat na salinlahi.”

Malinaw nga  naman na sinasabi sa 10 Commandments na huwag magkakaroon ng rebulto eh bakit daw po tayong mga Katoliko ay may mga rebulto, at kitang kita ito tuwing papasok ka ng simbahan. Ibig- sabihin tayong mga Katoliko ay lumalabag s autos ng Diyos, at ang sabi ng Diyos “parurusahan ko” ang mga gagawa ng mga rebulto!

BOK:

Kaya nga Bro! Ibig sabihin tayong mga katoliko siguradong impyerno dahil nilabag natin ang 10 Commandments… naku ayaw ko na talaga! Lilipat na ako… mag Born Again na lang ako o kaya Iglesya ni Cristo!

PAUL:

Teka! Teka! May sinabi na ba ako? Ang sinasabi ko ay ang bintang sa ating mga Katoliko, na tayo daw ay lumalabag sa 10 Commandments dahil sa pagkakaroon natin ng mga rebulto! Pero uulitin ko bintang lang yan, mukang medyo di nila naintidihan ang pagkakaroon ng rebulto ng mga Katoliko. Una! Paano kung ang Dios pala mismo ay nagpa- gawa ng rebulto!

BOK:

Meron ba nun sa Biblia?!

PAUL:

Ito bro basahin natin sa Exodo 25: 18,22

“At gagawa ka ng dalawangq querubing ginto na YARI SA PAMUKPOK, iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa”

Malinaw dito na ang Dios ay nag-utos na gumawa ng rebbulto… kasi nga YARI SA PAMUKPOK e di REBULTO yun at yari pa sa GINTO. Sino ang kausap dito ni Yaweh? Si Moses na siya ring kinausap niya nung binigay niya ang 10 Commandments. Ano pa ang sabi ng Diyos kay Moses “At diya’y makikipagkita ako sa iyo…” Kung ikaw si Moses ha Bok ano iisipin mo?

BOK:

Malilito ako! Kasi sabi niya huwag kang gagawa ng REBULTO bakit sa Exodo 25:18, 22 nagpapagawa siya ng REBULTO at yari pa sag into! May contradiction ang Bible? Nalimutan lang ni God na may inutos pala siya kasi busy? Ano!!!

PAUL:

Hindi Garry walang contradiction at lalong hindi mali- mali ang Dios, ito kasi ang pang daraya eh… di ko alam kung sinasadya o talagang nagkakamali lang sila (mga pastor siyempre)… bakit kasi binabasa nila ang pagbabawal na gumawa ng rebulto sa Exodo 20:4-5 pero hindi nila babasahin yung Exodo 25:18-22? Sana naman maging honest sila! Oo nga may mga bawal gawan ng rebulto pero meron din namang pwede! Kasi kung absolute Bok ang pagbabawal pag- gawa ng rebulto eh di sana bawal ang rebulto ni Rizal sa Luneta? Ni Bonifacio sa Divisoria! Kung bawal yun di gibain nila! Kaso malinaw ang Biblia may bawal gawan ng rebulto meron din namang pwede!

BOK:

Eh ano ang bawal gawan ng rebulto?

PAUL:

Eh di rebulto ng mga diyus-diyusan… malinaw ang sabi eh Huwag kayong magkakaroon ng DIYUS-DIYUSAN o kaya’y larawan o rebulto…” Oh hind ba malinaw! Ang ipinagbabawal ay rebulto ng diyus-diyusan, yung mga rebultong ginagawang diyos… yun ang bawal!

Sino-sino ba ang mga diyus-diyusan ayon sa Biblia?

BOK:

Sino?!

PAUL:

Madami! Sa 1 Hari 11:5-7 “Sapagkat si Salomon ay sumunod kay ASTAROTH, DIOSA ng mga Sidonio, at kay MILCOM na karumaldumal ng mga Ammonita… Nang magkagayo’y ipinagtayo ng Salomon ng mataas na dako si CHEMOS na karumaldumal  ng Moab… at si MOLOCH na kasuklamsuklam…” Si Astaroth, Milcom, Chemos at Moloch at marami pang iba ay ang mga diyus-dyusan na nabanggit sa Biblia. Ngayon ang tanong ko sayo Bok, yung mga nabanggit ko ban a Biblia pwede gawan ng rebulto?

BOK:

Hindi siyempre diyus-diyusan yang mga yan eh!

PAUL:

Eh si Santa Maria, San Pedro, San Pedro Calungsod, San Lurenzo Ruiz, San Jose at iba pang mga santo diyus- diyusan ba sila?

BOK:

Uhmm… hindi.

PAUL:

Talagang hindi dahil bayani sila ng kabanalan… ehemplo na ang Diyos ay naghahari sa puso at buhay natin… so pwede sila gawan ng rebulto?

BOK:

Uhmm… Oo na!

PAUL:

Hehehe kaya Bok hindi masama ang magkaroon ng rebulto… lalo na sa loob ng simbahan ang ipinagbabawal ay rebulto ng diyus-diyusan, at wala kang makikitang rebulto ni Moloch, Astaroth o ni Milcom sa loob ng simbahan natin. J

BOK:

Pero teka! Teka! Hindi nga sila diyus-diyusan… pero bakit nyo niyuyukuran? Bakit niyo pinupunasan pa ng panyo, hinahalikan at pinoprosisyon nyo pa! Ibig sabihin pinaglilingkuran nyo… sinasamba nyo! Diba nasusulat sa Awit 95:6

“Oh magsiparito kayo, tayo’y MAGSISAMBA AT MAGSIYUKOD: tayo’y MAGSILUHOD sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.”

Oh diba! Pag yumuyukod at lumuluhod sa harap ibig sabihin sinasamba niyo!





PAUL:

Hay ikaw talaga brader oh! Pag lumuhod ba ibig sabihin sumasamba? Pagluhod ba is equivalent to pagsamba? Di ata logical yun… hindi dahil lumuluhod o yumuyuko ibig sabihin sumasamba. Paano ang mga hapon? Diba pag may nakakasalubong silang matanda o nakatataas yuyukod sila at sasabihin HAYK! Pag mag-aalok ka ng kasal luluhod ka, ibig sabihin sinasamba mo yung babae? Di naman ata!

BOK:

(Silence…)

PAUL:

Unang- una kung ang pagsamba sayo ay pagluhod napakababaw naman ata ng definition mo ng pagsamba, paano naman yung walang kakayahang lumuhod o yumukod. Ang batayan ng Diyos ay hindi sa panlabas tulad ng pagluhod, o hindi pagluhod, o anopaman ang batayan niya ay ang puso… kung ito ba ay totoong sumasamba. Sa 1 Samuel 16:7…

 “…Ang batayan ko ay di tulad ng batayan ng tao. PANLABAS na anyo ang tinitingnan ng tao ngunit PUSO ANG TINITINGNAN KO”

Paano ka naman makakasigurado Bok o sinomang Pastor o Ministro na pag-lumuhod ang isang Katoliko yung rebulto ang sinasamba niya? Alam mo ba ang nilalaman ng puso niya? Unfair naman ata na pagbintangan ang Katoliko na sumasamba sa rebulto pag pinuprosisyon, niyuyukuran o hinahalikan ang banal na imahe, nalalaman ba nila ang nilalaman ng puso ng taong ito?

BOK:

Galit ka na?

PAUL:

Hindi nagpapaliwanag lang! Hehe pero tignan mo ito Bok come to think about this kung ang pagluhod ay pagsamba bakit may mga taong hinirang ng Dios na yumukod o lumuhod hindi sa harap ng Diyos… pero di naman nagalit ang Diyos sa kanila. Si Abraham mismo ay lumuhod pero di naman sumasamba basahin natin sa Genesis 18:2 “Walang anu-ano’y may nakita siyang tatlong lalaking nakatayo. Patakbo siyang sumalubong, YUMUKOD ng halos sayad sa lupa ang mukha.” Maging si Nathan na propeta ng Diyos ay yumukod pero di naman sumasamba sa 1 Hari 1:23 “…Lumapit ang propeta, NAGPATIRAPA sa harap ng hari.” Kung talagang ang pagyukod ay pagsamba, ibig sabihin mali ang mga pagyukod na ginawa ng mga tao ng Diyos? Nangangahulugan na hindi dahil lumuhod sumasamba.

Alam mo Bok wala namang turo ang Katoliko na sumamba sa Rebulto, wala kang mababasa sa Catechsim of the Catholic Church (CCC) na kung saan nasusulat ang mga opisyal na diktrina ng Katoliko na inuutusan ang mga Katoliko na sumamamba sa rebulto. Sa tagal ng panahon ko na pagsisimba wala akong narininig na pari na inutusan ang mga nagsimba na umuwi at sumamba sa rebulto. Ang pagyukod ng mga Katoliko sa rebulto ay isang pag-galang… uulitin ko pag- GALANG at hindi pag samba, magkaiba yun! Sa CCC ito ang nakasulat at opisyal na katuruan ng Katoliko;

“The Christian veneration of images is not contrary to the First Commandment which proscribes idols. Indeed “the honor rendered to an image passes to its prototype” and “whoever venerates an image venerates the person portrayed in it.” The HONOR PAID TO SACRED IMAGES IS A RESPECTFUL VENERATION,” NOT the adoration due to God alone.”

Malinaw Bok… hindi katuruan ng Simbahang Katoliko na sumamba sa rebulto, sa halip ito ay pagbibigay GALANG lamang. Kung paanong ginagalang natin ang rebulto ni Rizal sa Luneta na inaalayan ng bulalak tuwing Rizal’s Day… hindi ba’t lalo mas higit ang ating pag galang sa mga taong nagpakita ng kabanalan at lubos na pagmamahal sa Diyos. J

BOK:


J

No comments:

Post a Comment